Kalaboso sa pekeng passport (Huli sa 2 bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - July 7, 2020 - 12:00am

PAGKATAPOS ng paglilitis, napatunayan ng mababang hukuman na nagkasala si Liza ng isang count ng illegal recruitment at hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo. Pati dalawang counts ng estafa na may parusang isang taon 8 buwan, 21 araw hanggang 5 taon, 5 buwan at 11 araw na pagkakulong at multa na P20,500 sa unang kaso ng estafa at 4 taon, 2 buwan hanggang 6 taon, 8 buwan at 21 araw kasama ang multang P70,000 sa ikalawang kaso ng estafa.

Umapela si Liza at kinuwestiyon ang desisyon ng maba­bang hukuman. Nagkamali raw ang korte sa pagbibigay importansiya sa testimonya ng magkakapatid na may masamang motibo lang naman sa pagsasampa ng kaso laban sa kanya at sa pagbalewala nito sa salaysay ni Ramon na bumabawi sa kaso.

Pero kinatigan ng Supreme Court (SC) ang desisyon ng mababang hukuman. Ayon sa SC ay hindi napatunayan at walang naipakitang ebidensiya si Liza tungkol sa paratang niya na may masamang motibo lang ang magkakapatid. Sapantaha lang din ni Liza na ang hindi pagdawit kay Aldo sa kaso, may malaking papel sa panlolokong kinakaharap niya sa korte.

Kung tutuusin naman ay bakit magpapaikut-ikot pa ang magkakapatid sa pagdiin kay Aldo kung si Liza naman talaga ang gusto nilang kasuhan. Sapat na dahilan na ang pagiging kumpare ni Ramon si Aldo para siguro hindi idamay ng tatlo ang lalaki. Hindi naman porke’t may pananagutan si Aldo ay mapapatunayan na inosente na si Liza.

Tungkol naman sa sinasabing salaysay na binabawi na ni Ramon ang kaso ay hindi ito sapat kumpara sa testimonya ng tatlong nagreklamo. Isa pa, itinanggi rin ni Ramon na ginawa niya ang salaysay. Kaya dapat lang na hindi pansinin ang salaysay lalo kung ikukumpara sa positibong ebidensiyang inihain ng magkakapatid.

Wala raw dahilan para magduda sa testimonya ng magkakapatid na pangunahing testigo ng prosekusyon. Sila ay simpleng taga-barrio, magsasaka at mangingisda. Sa kanilang pananamit at paraan ng pagsasalita sa korte ay malayong mabaluktot nila ang katotohonan. Hindi sila maghihirap na pumunta sa korte at dumalo sa maraming beses na pagdinig sa kaso kung may iba silang motibo maliban sa paghahanap ng hustisya para sa kanilang sarili.

Ayon pa sa SC, pinag-aralan nito ang testimonya ng bawat isa base sa mga transcript ng kaso at napatunayan nito na kapani-paniwala ang pahayag ng mga testigo. Totoong nagkasala si Liza sa mga kasong isinampa sa kanya (People vs. De Gui ang, G.R. L-116382, January 29, 1998).

PASSPORT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with