^

PSN Opinyon

Nilinaw agad

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NILINAW kaagad ni Philippine Army Spokesperson Col. Ramon Zagala na mga sundalo at hindi pulis ang mga nakunan ng CCTV na umiikot sa paligid ng sasakyan ng mga pinatay na sundalo sa Jolo, Sulu. Nakita sa CCTV na may kinukuhang gamit mula sa mga patay na sundalo ang mga armadong kalalakihan.

Nagbigay nga ng komento si dating AFP chief Gen. Ricardo Visaya kung bakit ganun ang kilos ng mga pulis nang inakala na mga kasamahan nila ang nasa video. Ang nagbukas daw ng pinto ng SUV ay kapatid ng drayber ng sasakyan. Tiningnan kung buhay pa ang kapatid at kinuha ang kagamitan nito. May mga sensitibong gamit na kinuha rin ang mga sundalo.

 Minabuting maglabas kaagad ng pahayag si Zagala para hindi na madagdagan ang tensiyon at espekulas­yon hinggil sa insidente. Nagsalita nga rin sina Senators Panfilo Lacson at Ronald “Bato” dela Rosa na huwag nang dagdagan pa ang tensiyon.

Hinikayat nga ni Lacson si Army chief Lt. Gen. Gilbert Gapay na huwag pairalin ang emosyon sa pagbigay ng mga pahayag. Pero hindi ko siya masisi sa pagpatay sa apat niyang sundalo habang may sinusundang Abu Sayyaf. Ang hinala ay siya ang tagalikha ng mga bomba.

 Kung ganun, umalis nga ang mga pulis na sangkot sa insidente at hindi binantayan ang crime scene. Dapat hindi rin ginalaw ng mga sundalo ang crime scene pero naiintindihan ko na mga kasama nila ang pinatay.

Wala pa ring linaw sa naganap pero inaasahan na makapagbibigay na ang mga nakasaksi sa insidente ng kanilang salaysay sa imbestigasyon ng NBI.

Gusto umanong dalawin ni President Duterte ang pinang­­yarihan sa Jolo para iangat ang moral ng mga sundalo. Siguro para mabawasan na rin ang tensiyon kung kakausapin din niya ang mga kumander ng mga sundalo at pulis sa nasabing lugar.

Nais din umanong kausapin ang siyam na pulis na sangkot sa insidente pero hindi naman binanggit ni DILG Sec. Año kung saan at kailan. Hindi nga maganda ang umalis at iniwan ng mga pulis na sangkot ang crime scene. Dapat binantayan para hindi magkaroon ng kontaminasyon. 

vuukle comment

PHILIPPINE ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with