EDITORYAL -Tugisin, POGOs na di-nagbabayad ng tax
EDITORYAL -Tugisin, POGOs na di-nagbabayad ng tax
(Pilipino Star Ngayon) - July 6, 2020 - 12:00am

Lilipat na umano ng ibang bansa ang karamihan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) noong naka­raang linggo. At ang mga nagbabalak umalis ay ang may mga bilyones na pagkakautang sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ayon sa PAGCOR, inabisuhan ng BIR ang POGOs­ na magbayad muna ng kanilang buwis bago buksan ang kanilang operasyon. Kailangang sumunod muna ang mga ito sa requirements at isa nga rito ay ang pagbabayad ng buwis.

Pero ang sagot ng POGOs, magsasara na lang daw sila. Isa sa mga nagbantang magsasara at lili­pat na lang daw sa India ay ang Suncity Group, pinakamalaking junket operator sa mundo. Ginawa­ ng Suncity ang banta makaraang sabihan ang mga ito ng BIR na bayaran muna ang kanilang tax liabilities bago mag-operate. Ayon sa BIR, nasa bilyong piso ang tax liabilities ng Suncity.

Huwag hayaang makaalis ang Suncity at iba pang POGOs hangga’t hindi sila nakapagbabayad ng tax. Kailangang abisuhan ng BIR ang Bureau of Immigration (BI) at baka magliparan ang mga tauhan ng Suncity at iba pa.

Ang bilyong utang ng nasabing POGO ay ma­laki ang magagawa para sa kabuhayan ng bansa na ngayon ay lugmok ang ekonomiya dahil sa pandemya. Gawin ng BIR ang lahat para mapagbayad ang mga nakinabang sa bansa.

Noong nakaraang taon, isang POGO provider na nasa Libis, Quezon City may utang na P21.62 billion ang hindi malaman kung nagbayad na sa BIR. At hindi rin malaman kung ipinasara na nga ba ito ng BIR. Nasaan na ang mga tauhan nito?

Tiyak na marami pang POGO provider na may bilyones na utang at dapat habulin ang mga ito. Kung masisingil ang mga ito, malaking tulong sa bansa para matulungan ang mamamayan na sinalanta ng COVID-19. Gawin ng BIR ang lahat ng paraan para masingil ang mga POGO na bil­yones na utang sa tax.

PAGCOR POGOS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with