10-M mawawalan ng trabaho hindi lang dahil sa pandemic
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - July 6, 2020 - 12:00am

Sampung milyong Pilipino ang mawawalan ng trabaho, ani Labor Sec. Silvestre Bello III sa Senado. Aabot pa nga sa 15 milyon ang bilang, dagdag ni Alan Tanjusay ng Associated Labor Unions. ‘Yon ay mga manggagawa pa lang sa bansa mismo; hindi pa kasama ang marami sa 10 milyong overseas Filipino workers na nagdudusa ngayon.

Unang dahilan ay mas tinamaan ng COVID-19 pandemic ang ilang industriya. Lumagapak ang turismo at biyahe. Nagsara ang resorts, hotels, tourist spots, at travel agencies; nanlupaypay ang airlines at sea ferries. Apektado ang mga restoran, manukan, babuyan, feeds, at gamot sa hayop. Pati rin bus, jeepney, taxi, at gasolinahan. Na-lockdown ang mga barberya, beauty parlors, malls, tindahan ng damit, sapatos, accessories. Walang bumili o repair ng gadgets, appliances, kotse.

Tinatayang 25 milyong empleyado ang nabawasan ang kita.

Mga maling patakaran din ng gobyerno ang dahilan. Ehemplo ang pagbawal sa health workers magtrabaho abroad. Hindi naman sila sapilitang mapapatrabaho sa Dept. of Health,  lalo’t mababa ang sahod at kapos sa per­sonal protective equipment at test kits para sa medical­ frontlines. Ehemplo pa ang kawalang aksiyon ng National Telecoms Commission at Kongreso sa prangkisa ng ABS-CBN. Hindi lang 11,000 empleyado at talents ang nadehado, kundi pati suppliers, mga kantina sa gilid ng mga istasyon, atbp.

Pahirap sa pagpasok sa trabaho ang labis na alituntunin. Sobrang rekotitos para masakay sa public transport, at bawal ang mag-asawa o magkasama sa bagay na magkaangkas sa pribadong sasakyan. Sininghalan pa ng opisyales na magsara na lang ang mga negosyante na hindi makabigay ng sasakyan sa empleyados. E di nagsara nga ang mga kapos ang kapital pero nagremedyo para makapag-pasweldo miski lockdown. Ayun, nabuwisit at nagsara nga sila. Itinabi na lang ang natitirang puhunan. Nadagdagan ang walang trabaho.

COVID-19 PANDEMIC
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with