Walang panahon si Inday Sara Durian Shake
DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado (Pilipino Star Ngayon) - July 5, 2020 - 12:00am

Naipakita ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kung ano talaga ang leadership lalo na sa harap ng krisis gaya ng pananalasa ng coronavirus disease-2019 o COVID-19.

Kaming may 1.6 milyong Dabawenyos, maliban pa sa mga transient dito, alam namin ang pagsisikap ni Inday Sara na matugunan ang mga bagay-bagay kung paano labanan ang COVID-19.

Araw-araw, kinakausap kami ni Inday Sara sa pamamagitan ng kanyang Davao Disaster Radio program na kung saan hindi lang siya nagbibigay ng updates kundi pinapaintindi niya sa kanyang constituents ang mga guidelines ng Inter-Agency Task Force against Infectious Disease  (IATF) tungkol sa mga level ng quarantine ng Davao City na ngayon ay nasa modified general community quarantine (MGCQ) na kami.

Dini-discuss din ni Inday Sara kung saang areas sa Davao City mas malakas ang infection dahil nga lumalabas na marami ang COVID cases gaya ng sa Barangay 23-C.

Mariin ding pinaghandaan ni Inday Sara ang mga isolation areas sa iba’t ibang lugar dito sa amin.

May mass burial site na nga kami sa Barangay Tagak­pan in case na dumami ang mamamatay at wala nang paglilibingan.

May karampatang paghahanda na rin kami sa mga kinakailangang ayuda lalo na sa mga nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemic na ito.

At talagang well-appreciated naming Dabawenyos ang mga ginagawa ni Inday Sara para sa amin, na kanyang mga constituents. Sumusunod naman kami sa liquor ban, curfew o anumang pagbabawal na ini-implement.

Kaya naiintindihan  at alam namin kung gaano ka-busy si Inday Sara lalo na nang  nagsimula ang quarantine noong March 16 hanggang ngayon lalo na nang sinimulan na ring i-ease ang restrictions dahil nga MGCQ na kami.

At kung anuman ang mga hinaing ng iba riyan lalo sa kanilang mga personal na buhay kesyo hindi pinapansin o hindi binibigyang halaga ni Inday Sara ang kanilang mga problema sa pamilya lalo na sa social media, puwede ba, intindihin n’yo naman siya.

Mas malaking problema ang hinaharap ni Inday Sara sa paglaban sa COVID-19 upang  bigyang karapat-dapat na aksyon at tulong ang kanyang constituents. Maging ang kanyang amang si President Duterte ay ganoon din ka-busy na wala na ngang panahon upang magpahinga man lang.

Kaya sa mga taong may mga personal issues lalo na social media, diyan muna kayo, at may trabaho pa si Inday Sara.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with