EDITORYAL - Huwag pairalin katigasan ng ulo
(Pilipino Star Ngayon) - July 4, 2020 - 12:00am

‘‘MATITIGAS ang ulo!’’

‘Yan ang sinabi ni President Duterte kaya mataas ang kaso ng COVID-19 sa Cebu. Ang tinutukoy niya ang mga Cebuano. Sabi ng Presidente noong Martes, nasa hot spot ang Cebu at patuloy ang pagdami ng kaso ng COVID at iyan ay dahil hindi sumusunod sa utos ang mga Cebuano.

“You do not follow the rules. If you’re really sick in the mind, think of your fellow man. All I’m asking is, you keep yourself alive and not spread the infection,” mariing sinabi ng Presidente.

Si Duterte na mismo ang nag-utos na i-extend ang lockdown sa Cebu City sa loob  ng dalawang linggo para mapigilan ang pagkalat ng COVID. Inatasan niya si Enviroment Sec. Roy Cimatu na gawin ang lahat nang paraan para mapigilan ang pagkalat ng virus. Ikinalat ni Cimatu sa tulong ng Armed Forces ang mga sundalo para mapigilan sa paglabas ng bahay o pamamasyal at iba pang mass gatherings ang mga Cebuano.

Nag-viral sa social media ang mga pagsasaya ng mga residente ng Sitio ISKP sa Cebu City kung saan nagsasayawan sila sa kalye dahil sa pagdiriwang ng pista roon. Naglagay pa umano ng sound system ang mga residente para lalong maging masaya ang pag­selebreyt ng pista.

Napag-alaman din na karamihan sa mga residente ay walang face mask at hindi nasunod ang social distancing. Lantaran ang ginawa nilang paglabag sa quarantine at wala nang pakialam kung magkahawahan at kumalat pang lalo ang virus.

Kaya hindi masisisi ang Presidente kung hayagan nitong sabihin na matitigas ang ulo ng mga Cebuano. Maski raw ang mga nakatirang Cebuano o Bisaya sa Davao ay matigas din ang ulo. Ang katigasan ng ulo ng mga Cebuano ay inamin naman ito ng mayor ng Cebu sa isang radio interview noong isang araw pero ngayon daw ay sumusunod na ang mga tao. Hindi na raw ngayon matitigas ang ulo.

Kailangan pang magsalita nang may panghihiya ang Presidente bago sumunod sa utos ang mga taga-Cebu. Kailangan pang dumami ang kaso ng COVID bago matuto. Sa kasalukuyan, nasa 5,824 na ang COVID cases sa Cebu at 211 na ang namatay.

Huwag pairalin ang katigasan ng ulo. Sumunod sa utos para ganap na maiwasan at malabanan ang virus. Hindi biro ang kalabang ito na nagpapalumpo sa bansa.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with