^

PSN Opinyon

Video karera, nagkalat sa Pasay!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

KINAMUMUHIAN ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa ang video karera subalit may halos 30 na makina na nakalatag sa Bgy. Sto. Niño sa Pasay City. Nagtataka ang lahat kung bakit nakalusot ang mga makina sa kaalaman ng bata ni Gamboa na si Brig. Gen. Emmanuel Peralta, hepe ng Southern Police District. Si Peralta ay dating SEA ni Gamboa kaya napadpad s’ya sa SPD at na-promote naman. Kaya lang, mukhang hindi sinuklian ng trabaho ni Peralta ang pagmamahal sa kanya ni PNP chief. Dipugaaaa!

Ang mga makina ay nakalatag sa sakop ng PCP 6 ng Pasay police at todo bantay ang mga pulis dito imbes na labanan ang COVID-19. Kung sabagay, mga pulis din ang may-ari ng mga nakalatag na makina. Noong kasagsagan ng kampanya laban sa video karera na iniutos ni Gamboa bago ang COVID, sangkaterbang makina ang nakumpiska subalit itinago ng mga pulis ang iba, ‘di ba Capt. Pedroso, Pasay police intelligence chief Sir?

At habang nakatuon ang pansin ni Gamboa sa paki­kibaka vs COVID, aba inilatag ng mga tiwaling pulis ang na­itagong mga makina at nagtataka ang mga kosa ko kung bakit pinayagan ito ni Mayor Imelda Calixto-Rubino. Dipu­gaaaa! Makupad kumilos sa pag-ayuda ng kanyang constituents si Calixto-Rubino sa naapektuhan ng virus, lalo na sa SAP distribution kung saan kulelat siya, at pati sa illegal gambling mabagal din siyang umaksiyon? Ano ba ‘yan?

May alam kaya si Col. Ericson Dilag, hepe ng Pasay police sa mga nakalatag na makina? Kung sabagay, bagong upo pa lang sa trono si Dilag at mukhang nabulag din siya ng kanyang mga tauhan. Dipugaaaa!

Alam naman ng lahat na puro adik lang ang nagba­babad sa mga makina. At kapag “high” na sila sa droga, maaaring hindi na paiiralin ang health protocol na social­ distancing at tiyak tataas ang bilang ng COVID positive sa Pasay at lagot si Mayor Calixto-Rubiano. Abangan!

vuukle comment

ARCHIE GAMBOA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with