Capiz, ila-lockdown uli dahil sa COVID
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - July 4, 2020 - 12:00am

MUKHANG magkakatotoo ang pinangangambahan ng mga Capiznon na ibabalik na naman ang lockdown sa kanilang lalawigan. Nito kasing mga nakalipas na mga araw, may nagpositibo umano sa COVID-19. Kaya nag-aalumpihit na naman ang aking mga kababayan sa pangambang makukulong na naman sila sa kanilang mga tahanan. Naranasan kasi nila na makulong sa kanilang mga tahanan nang mahigit tatlong buwan kung kaya ayaw na nilang sapitin pa uli ito. Kapos naman kasi ang ayudang SAP na ipinagkaloob sa kanila at may ilan sa kanila ang hindi nabigyan.

Ang masakit nito kapos na rin ang budget ng mga barangay kaya kumalam ang sikmura ng ilan kong kaba­bayan. Kaya nang mailagay sa general community­ qua­rantine ang Capiz, muling sumigla ang kanilang buhay dahil nakalalabas na sila ng bahay at nakapag­hanapbuhay. Sa Capiz kasi ang mga hanapbuhay doon ay ang pagsasaka sa palayan, tubuhan at pangingisda kaya bilad sa araw at ulan ang puhunan nila para kumita. Hehehe!

Ang masaklap nito dahil sa higpit na ipinatutupad ng mga local government units (LGUs), naging magastos ang kanilang paglalakbay matapos na halos doble ang bayad nila sa tricycle. Hindi naman natin masising magtaas ang pamasahe ng mga tricycle dahil isa lamang ang pasaherong pinapayagang sumakay kaya ang suma babayad ng doble ang pamasahe.

At ngayon nga na muli na namang nagkaroon ng posi­tibo sa COVID-19 ang Iloilo at may hinihinalang mayroon din sa Capiz, muli na namang ipinatupad ang mahigpit na checkpoint sa boarder lines ng Capiz/Iloilo. Kaya apektado na naman ang kalakalan sa dalawang lalawigan lalo na ang mga mangingisda. Umaasa kasi sa biyahe ng eroplano at Roro ang mga negosyante para maibiyahe sa Metro Ma­­nila ang kanilang mga isda. Kapag muli na namang mag-lockdown tiyak na mahihinto na naman ang kalakalan sa naturang lalawigan. Siguradong subsob na naman sa ekonomiya ang Capiz at siguradong marami ang magugutom.

Malaking alwan na sa mga mangingisda ang pagluwag ng mga boarderlines ng Iloilo/Capiz sa mga negosyante dahil ang kanilang mga huling isda ay naibibiyahe nila sa Iloilo na may mataas na presyo. Kilala ang Iloilo City na bagsakan ng mga inaning isda sa mga palaisdaan ng Capiz. Ngayong ipatutupad na naman ang lockdown tiyak na bagsak presyo na naman sila at namimintong malugi. Kaya ang sinisisi nila sa pagkaroon ng mga nahawahan ng COVID-19 ay ang mabagal na pagpalabas ng resulta sa mga medical test ng Department of Health (DOH).

Malinaw kasi na itong mga repatriated overseas Filipino workers (OFWs) ang carrier ng virus. Lalong lumakas ang hinala ng ilan kong kababayan sa pagkakahawa ng virus matapos pauwiin ang mga local stranded individual (LSI) sa ilalim ng Balik Probinsiya. Kaya nagsusumigaw ang mga Capiznon na itigil muna ang pagpapauwi sa mga LSI sa naturang lugar hangga’t hindi pa nailalabas ang kanilang mga COVID test na negatibo na sila sa virus.

Sa totoo lang mga suki, ang Capiz ay may pinakamababang bilang ng mga nahawa sa COVID at ngayong nagsiuwian na ang ating mga kababayan na hindi pa tiyak ang mga test sa kanila ng DOH, nagkahitut-hitot na muli ang buhay ng mga Capiznon. Calling Inter-Agency Task Force implementor Eduado Galvez, Sir, itigil mo po muna ang papoging pagpapauwi sa mga LSI hangga’t walang malinaw na resulta na ipinalalabas ang DOH. Hangga’t walang vaccine kontra COVID wala munang pauwiin sa lalawigan particular sa Capiz.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with