^

PSN Opinyon

‘Produkto’ ng utak na naka-lockdown

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Tambak ng COVID-19 jokes ang social media mula pa Enero. Unang kumalat na walang dapat ikabahala sa virus: “Hindi magtatagal ‘yan, gawang China kasi.” Pero nu’ng Marso may bago nang bersiyon: “Ngayon lang nagkaroon ng Made-in-China na tumagal nang ganito.”

Malilikot ang mga utak na naka-lockdown. May audio at video pa ang jokes. Sa beach ang bagong normal umano ay di na bikini kundi “trikini”: tatlong maliliit na pirasong pantakip sa ibaba, sa dibdib, at sa bibig. At hindi naman daw nawawala sina Cardo Dalisay at Ang Probinsiyano. Nadestino lang pansamantala sa checkpoint.

Binuhay ang mga lumang kanta ng nakakaaliw na bagong lyrics sa paghugas ng kamay at social distancing. Mula sa “Diana” ni Neil Sedaka, kuwela ang bersiyong “Ayuda” ni Jhay-Are Abella sa YouTube.

Hindi nakakatawa ang pagmamaliit ng ilang lider sa pandemic. Pinabuksan ni Tanzanian President John Magufuli lahat ng simbahan; gawang demonyo raw ang pandemic kaya walang laban sa relihiyon. Kagagawan lang ng Amerikano ang virus, ani Iran Ayatollah Ali Khamenei kaya nagpa-rally kontra imperyalista. Huwag mag-alala, sabi ni Brazil President Jair Bolsonaro, dahil sipon lang ang COVID-19. At parang ambon lang na dadaan ang outbreak, ani U.S. President Donald Trump. Lahat sila inabutan ng salot. Dagdag ng isa pang lider: “Saan ba nakatira ang ‘veerus’ na ‘yan at sasampalin ko.” Odivah?

Pati si Russian autocrat Vladimir Putin ay may patawa: madali lang daw niya napapayag ang mga Ruso sa lockdown; pinapili niya kung ano’ng gusto nila, tatlong linggo sa bahay o limang taon sa preso.

Masakit na joke ang nagpapili ng isa: buksan muli ang ABS-CBN o alisin na ang liquor ban. Maraming muntik nang talikuran ang press freedom at hanapbuhay ng 11,000 empleyado. He-he-he, joke only!

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

COVID-19

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with