Umaalis na ang POGOs
K KA LANG - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - July 2, 2020 - 12:00am

Umaalis na raw ang Philippine Offshore and Gaming Operators (POGOs) sa bansa dahil sa isyu ng pagbabayad ng kaukulang buwis. Umaabot umano sa P50 bilyon para sa prangkisa at mga buwis ang utang nila sa bansa ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR). Dahil ka­ilangan ng pondo ng gobyerno para sa laban sa COVID-19, siguro sinisingil na nang husto ang mga POGO na ito.

Ano ba ang inisip ng mga iyan? Puwedeng hindi na sila magbayad ng buwis dahil may pumapasok namang pera sa bayan sa ibang paraan tulad ng mga inupahan ng mga empleyado ng POGO at iba pa?

Dito makikita ang sama ng ugali ng mga iyan. Ano naman kaya ang plano ng gobyerno kung mag-alisan na nga sila at may utang pa rin? Habulin kaya? Paano? Kung ayaw nga magbayad ng buwis habang nasa bansa paano pa kaya kapag wala na sila rito?

Mangangako sila na magbabayad? Tatanggapin ng gobyerno ang pangako na iyan? Pipigilin ba ang pag-alis nila sa bansa ng Bureau of Immigration? Hindi ako magtataka at lahat na lang ng kaluwagan ay ibinigay na rin naman sa kanila.

Ilang mambabatas naman ang masaya at umaalis na ang mga POGO. Huwag nga raw silang habulin maliban na lang para bayaran ang mga utang na buwis. Mababawasan na rin ang mga perwisyo at sakit ng ulo na idi­nulot ng mga POGO na iyan sa bansa, kasama na ang kid­napping-for-ransom, prostitusyon pati na ang mga nag­kasakit ng COVID-19 na itinago pa sa pamamagitan ng pagtayo ng sarili nilang mga gamutan.

Naging isyu run ang lokasyon ng mga POGO na tila pinaikutan ang mga kampo-militar sa Metro Manila.

Hindi ako magtataka kung ang inisip ng mga POGO ay dahil lumalapit nang husto si President Duterte sa China ay magiging maluwag sa kanila ang gobyerno. Tila ganun nga ng naganap sa kanilang hindi pagbayad ng buwis.

Baka inisip na marami namang tulong ang ibibigay ng China, kung nabigay na nga, kaya baka puwedeng palampasin na lang ang mga buwis.

Hindi ko nga maintindihan kung bakit pinabayaang lumobo nang husto ang kanilang utang na buwis sa bansa. Baka takbuhan na rin nila ang mga pinaupahan nilang mga bahay at lugar ng negosyo. Kung umaalis na ang mga POGO mawawala na rin ang mga kainan nila.

Ano kaya ang gagawing aksiyon ng gobyerno, partikular ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at Department of Finance (DOF) sa mga POGO na nagsasara pero may utang pa? Tila malaking pagkakamali ang pinayagang magtayo ng POGO sa bansa.

Ngayon, problema pa rin ang pag-alis nila. Dapat makita na ng gobyerno ang ugali ng mga ito. Ano kaya ang pahayag ng kanilang ambassador sa bansa? Tayo na naman ang mali?

POGOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with