Education cannot wait
REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda (Pilipino Star Ngayon) - July 1, 2020 - 12:00am

May huling deadline pa rin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa desisyon tungkol sa muling pagbukas ng klase sa School year 2020-2021. Pagdating ng July 15, may final assessment na isa-submit ang DepEd sa paghahandang ginagawa para sa target na pagbukas sa August 24. Doon natin malalaman ang tunay na salo­obin ng Malacañang. Ang ating Kongreso naman ay may inihanda nang batas, kulang na lang ng pirma ng Pa­­ngulo, na nagbibigay sa huli ng kapangyarihang i-reset ang school opening sa panahon na may epidemya.

Gaano man kahirap ang sitwasyon, palaisipan pa rin ang pagpatuloy ng pag-aral ng ating mga anak. Sa mga masusing research, lumalabas na sa matagalang paghinto ng pag-aral ay masasayang ang 30% ng natu­tunan sa nakalipas lang na taon. At kung Mathematics ang pag-uusapan, depende sa baitang, maaaring 50% hanggang 100% ng naaral na sana ay malilimutan din.

Mabigat ang implikasyon nito sa isang henerasyon ng mag-aaral kapag sila’y pagkaitan ng pagkakataon na tuluyang matuto. Dahil dito’y dinisisyunan ni DepEd Secretary Leonor Briones na huwag mag-atubiling paghandaan ang muling pagbukas ng klase, kahit pa walang pinal na desisyon ang Pangulo. Kung hindi pa safe ang pisikal na pagpasok sa mga eskwelahan, susubukan ang mga alternatibong pamamaraan tulad ng internet learning (kahit sa telepono idaan kung walang computer/laptop/tablet), TV at radio, at ang paghatid sundo ng mga worksheets at modules sa mga walang kakayahan.

Ani Sec. Briones, education cannot wait. Ito rin ang sentimyento ni Pangulo kung kaya umaasa ito na kakayanin ng DepEd ang paghanda para mabuksan nang maayos ang klase. Mayroon pa ring mga magulang na ayaw ituloy ang reopening. Sana’y maibsan ang kanilang pagdadalawang isip. Ang ganitong bagong sistema ang siyang pinakamabuti nang magagawa natin sa gitna ng hirap ng pandemya. Kailangan nating magpursigi upang hindi makawawa. Ang pagbangon ng ating edukasyon ay kritikal sa laban.

RODRIGO ROA DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with