Pagpapalit sa NAIA dapat na nga ba?
UNFILTERED - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - July 1, 2020 - 12:00am

Tahasang sinagot ni ACT-CIS party-list Representative­ Eric Yap ang mga bumabatikos hinggil sa kanilang isi­nulong na pagpapalit ng pangalan ng Ninoy Aquino Inter­national Airport (NAIA).

Panahon na raw para palitan ito para irepresenta ang bansang Pilipinas at mismong mga Pilipino.

Kung noon daw panahon ni P-Noy ay napakapangit ng imahe at itsura ng NAIA, layunin ng kanilang isinusulong na ito ay pagandahin.

Para sa mga Liberal, ang Ninoy Aquino International Airport ay kabahagi ng kasaysayan. Hindi dapat baguhin dahil natatamasa natin ngayon ang demokrasya.

Ibig nilang sabihin, ito’y sacrilege. May paglabag, ma­ling hakbang, maling pagturing sa isang bagay na sagrado. Na ang yumaong si Ninoy ay kabahagi ng kasay­sayan ng Pilipinas at isang bayani.

Sagot ni Rep. Yap, hindi lang naman isang tao o Aquino ang lumakad at nagmartsa sa EDSA kundi libu-libong Pili­pino, sila ang mga tunay na bayani.

Marapat lamang na irepresenta ng Pambansang Pali­paran ang mga Pilipino at hindi ng isang tao.

Ang tanong, panahon na nga ba? Sa gitna ng pandemya ng COVID-19?

“Hindi naman kami nagpapabaya sa aming mga tra­baho Sir Ben,’’ sagot ni Yap sa aking phonepatch inter­view sa programang BITAG Live.

Sinaltik pa ni Yap ang isang pulitiko na nagsasabing pagtuunan ng pansin ang COVID-19 bago ang pagpapalit ng pangalan ng airport.

Aniya, “nakakatakot siyang maging pinuno ng bansa dahil iisang bagay lamang ang gusto niyang pagtuunan ng pansin kapag nagkataon.”

Bilang mga mambabatas, trabaho nilang magsulong ng mga panukala para sa sambayanang Pilipino. Isa lamang ang planong pagbabago ng pangalan ng paliparan ng Pilipinas sa kanilang mga tinatrabaho.

Marami pang maaanghang na kasagutan si Yap. Mapapanood ito sa aming YouTube Channel sa programang BITAG Live. Maging ang mga netizens, nakipagsabayan sa talakayang ito.

NAIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with