Wala silang iwanan/Mundo para sa lahat
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - June 30, 2020 - 12:00am

SA pagbaklas ng sirang pader na kahoy, napansin ng may-ari na may butiki sa loob. Isang paa nito ay tinamaan ng pako na bumaon sa kahoy, kaya hindi makaalis. Pero humihinga pa ang butiki. Naisip ng may-ari na napako at nakulong ito nu’ng ginagawa ang bahay limang taon na ang lumipas. Nakakapagtaka kung paano ito nanatiling buhay sa madilim na partisyon sa pader.

Nabatid ang sagot nang may dumating na isa pang butiki na may pangal-pangal na pagkain sa bibig. Limang taon nagtiyaga ang pangalawang butiki na alagaan ang kapwa, walang iwanan. At limang taon nagtiwala ang napakong butiki na babalik at babalik ang kasama para pakainin siya, walang iwanan.

Sa talino ng tao na nakakagawa ng gusali at nakakalakbay sa malayo, natuto ang may-ari sa buhay ng butiki. Pag may okasyon ang kaanak o nagtatanong na bata, kaibigang nangungumusta o kapwa na may suliranin, bigyan ng pansin. Mahalin ang isa’t isa, walang iwanan.

* * *

Sa milyong videos na kumalat sa social media nitong COVID-19 lockdowns, pinaka-”like” at “favorite” ang wild animals na gumagala sa mga lungsod na walang katau-tao. Nakakamangha! Wild boar sa bayan-bayan sa Italy, Japanese sika deer sa mga kalye sa Nara, pamilya ng Egyptian geese sa tarmac ng Tel Aviv airport ang ipinalabas sa YouTube channel ng Nature Connection. Maraming kuha ng dolphins na lumalapit sa mga biglang luminis na mga pampang sa buong mundo ang isinumite sa Planet Now-YouTube.

May patawa pa. Ang mga makukulay na lorikeet parrots sa London ay may caption na kesyo lumitaw na ang tunay na kulay ng kalapati dahil wala nang polusyon. May special effects ng dinosaurs sa mga kalsada at gusali sa Rio de Janeiro, Los Angeles at Makati.

Naisip ng viewers na gan’un pala kung walang tao o progreso. Naisip kaya ng mababangis na hayop na gan’un pala kung wala tayo?

COVID-19
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with