Binawi ng nanay (Huli sa 2 bahagi)
IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - June 30, 2020 - 12:00am

PINANIGAN ng Supreme Court ang desisyon ng mababang hukuman pero nilinaw na si Stella at hindi ang sheriff ang dapat na magbigay ng kustodiya ng batang si Zandro kay Alice dahil siya naman mismo ang may hawak sa bata. Ayon sa SC, hindi sapat ang Exhibit 1 at 4 para ituring na totoong isinuko na ni Alice ang karapatan sa kustodiya kay Zandro. Sa unang dokumento kasi ay nakasulat lang na ipinagkatiwala ni Alice ang anak kay Stella bilang totoong guardian ng bata.

Walang ibig sabihin ito dahil hindi naman ibig sabihin na laging ang guardian ng bata ang gagawa ng tungkulin niya. Ang pagiging guardian o bantay ng bata ay pansamantala lang dahil gagawin lang ni Stella ang tungkulin habang hindi pa kaya ni Alice na alagaan at suportahan ang anak. Kasi nga ay hindi mauwi ni Alice ang bata sa bahay dahil sa mahigpit na pagtutol ng ama. Iyon ang dahilan kung bakit niya binigay ang kustodiya ng bata kay Stella.

Pero ngayon na nasa hustong gulang na si Alice at nakawala na sa kapangyarihan ng kanyang ama pati nagpakasal na at nasa posisyon na para suportahan at alagaan ang anak na may pagsang-ayon ng kanyang mister na pumirma rin sa petisyon ay walang dahilan para ipagkait pa sa kanya ang kustodiya ng anak. Isa pa, ang huling parirala na nagsasabing walang ibang puwedeng umampon sa bata maliban kay Stella ay patungkol lang sa hinaharap. Hindi ibig sabihin nito na inampon na talaga niya ang bata. Puwede niyang ampunin o hindi ampunin ang bata. At hindi pa ito ginagawa ni Stella.

Ayon pa sa SC, ang trahedya na mangyayari sa mga susunod na taon na hindi hayaan na magsama ang ina at kanyang anak para magkaroon ng magagandang alaala ng kanilang pagsasama ay mangangahulugan ng panganib sa relasyon ng bawat magulang at anak na dapat maiwasan. Hindi raw tama na tanggalin sa isang ina ang pagkakataon na palakihin ang kanyang anak maging kapalit man nito ay matinding sakripisyo at paghihirap. Sa huli, makukuha niyang tingnan lahat ito ng may tiwala at pasasalamat dahil nagawa niyang magkatotoo na ibigay ang lahat ng pangarap ng kanyang anak na lalaki (Celis et. Al. vs. Cafuir et. Al., G.R. L-3352, June 12, 1950).

SUPREME COURT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with