Ang mga paalala ni Gen. Eleazar
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - June 30, 2020 - 12:00am

MAY isang linggo na ang nakakalipas, inatasan ni President Duterte si DENR Sec. Roy Cimatu na pangasiwaan ang Cebu laban sa COVID-19 matapos maalarma ang health at government leaders dahil sa pagdami ng kaso roon. Nagtungo rin sa Cebu si Joint Task Force Covid Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar para tumulong sa sitwasyon. Nasa peligrosong kalagayan ang Cebu City dahil sa mabilis na pagdami ng kaso ng COVID. Umabot na sa 5,088 ang mga kaso ng sakit sa Cebu City. Sa buong Cebu may kabuuang 6,897 ang kaso. Ayon sa UP experts of Infectious Diseases, kung walang gaga-wing hakbang, maaaring umabot ng hanggang 11,000 ang mga kaso ng sakit doon.

Sa karanasan at expertise ni Cimatu sa paglaban sa COVID nitong nakalipas na tatlong buwan, makaaasa na babagal ang pagdami ng mga kaso ng COVID sa Cebu City. Gagamitin ni Cimatu ang mga formula na ginamit ng buong nasyon sa pagkontrol sa pagkalat ng virus, kabilang na ang tamang implementasyon ng quarantine protocols.

Sa husay naman ni General Eleazar, makakaasa na maipatutupad nang seryoso ang mga guidelines na inihanda ni Cimatu. Sa pamamagitan ni Eleazar, magkakaroon ng pagbabago sa bilang ng mga tao at sasakyan sa lansangan ng Cebu.

Dahil sa istriktong pagbabantay at pangangasiwa ni Eleazar, umabot sa 207,528  ang inaresto dahil sa pag­labag sa quarantine rules. May kabuuang 111,725 ang binigyan ng warning, 32,788 ang pinagmulta at 63,015 ang sinampahan ng kaso sa hukuman.

Laging sinasabi ni Eleazar na ang panahon ngayon ay abnormal.  Walang oras para mamasyal, mag-shopping at kahit pa maglibang. Ayon sa kanya, kung wala namang mahalagang gagawin sa labas, manatili na lamang sa tahanan. Kailangang magsakripisyo upang hindi naman masayang ang ginawa sa nakalipas na tatlong buwan na nakasailalim sa mahigpit na community quarantine ang bansa.

Makabuluhan ang mga sinasabi ni Eleazar at dapat itong tandaan ng mamamayan. Sabi pa niya, “the virus doesn’t move. It is the people who move the virus. If the people stop, the virus stops.”

Abangan!

GUILLERMO ELEAZAR ROY CIMATU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with