Police captain sa Zambo, timbog sa extortion!
DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - June 27, 2020 - 12:00am

ITINAAS ni President Digong ang suweldo ng mga pulis­ para hindi na sila pumasok pa sa mga ilegal na ga­wain subalit mukhang hindi pa kuntento dito si Capt. Haran­ Ulah. Inaresto ng Integrity Monitoring Enforcement Group at PRO9 noong Huwebes si Ulah sa ka­song extortion vs principal ng Sarawagan Elemen­tary School. Parang itinapon ni Ulah sa hangin ang kanyang suweldo na hu­­migit-kumulang P56,000 na base pay, pati na ang kina­bukasan ng kanyang pamilya. Dipu­­gaaaa!

Hindi lang ‘yan. Ayon kay IMEG chief Brig. Gen. Ronald Lee, malaki ang posibilidad na ma-dismiss sa serbisyo si Ulah, ang acting chief of police ng Godod police station sa Zamboanga del Norte, dahil sa ipinatutupad na internal cleansing program ng PNP. 

Sinabi ni Lee na humingi si Ulah noong Mayo 29 kay Jose Abarca ng halagang P10,000 bilang proteksiyon sa negosyo nitong treasure hunting at mining sa Sitio Riverside sa Bgy. Raba sa Godod. Naibaba ito sa P5,000. Ka­sama ang mga tauhan ni Brig. Gen. Jess Cambay, ang director ng PRO9 inaresto si Ulah sa kanyang opisina. Ayon kay Cambay nakumpiska kay Ulah ang marked money, ang isyu n’yang M16 Armalite rifle, Cal. 45 pistol, at dalawang celfone. Dipugaaaa! Tapos na ang maliligayang araw ni Ulah.

Ayon kay Lee, si Ulah ay naging opisyal noong 2012 sa pamamagitan ng lateral entry. Ibig sabihin, naging enlisted man muna si Ulah at kung may 15 years na siya sa serbisyo, aba may 30 percent increase na ang base pay niya. Lahat nang pinaghirapan ni Ulah, kasama na ang milyones sana na retirement pay niya ay natangay nang malakas na bagyo ng IMEG at PRO9. Dipugaaaa! Get’s n’yo mga kosa ko sa PNP? 

Kahit panay warning ni Lee na tuluy-tuloy ang kampanya ng IMEG laban sa mga tiwaling pulis kahit may COVID-19, may iilan pa ring ayaw tumino at naghahabol ng kaunting grasya. Magbago na kayo uy! Abangan!

EXTORTION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with