Paalala sa Cebuanos
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - June 27, 2020 - 12:00am

ANG pagiging “pasaway” ng Cebuanos ang dahilan kung bakit tumaas ang COVID cases doon kaya ibinalik ni President Duterte sa enhanced community quarantine (ECQ) ang probinsiya. Ikinalat ang Philippine National Police-Special Action Forces (PNP-SAF)  upang mapigilan ang paglamyerda ng mga pasaway.

Nasubukan na ang kakayahan ng PNP-SAF sa Metro­ Manila kaya nabawasan ang paglamyerda ng mga pasa­­way sa kalye. Kung mga karaniwang pulis lamang ang idedeploy ay balewala lang sa mga pasaway samantalang sa SAF ay hindi sila uubra. Mahirap pakiusapan ang mga ito. Nasa 150 miyembro ng SAF ang nasa Cebu ngayon.

Sa kabila kasi ng kaliwa’t kanang panawagan ng local government units (LGUs) sa Cebu na manatili sa loob ng kanilang tahanan ang mamamayan para hindi mahawa sa virus ay hindi sinusunod. Isa rin sa nagpasakit sa ulo ng LGUs ay ang mga repatriated na overseas Filipino workers at local stranded individuals umuwi sa Cebu. Sa ngayon suspendido muna ang pagpapauwi sa mga OFWs at LSI at tanging pinapasok lamang sa Cebu ay ang frontliners na kinabibilangan ng mga doctors, nurses, medical attendants, PNP-SAF, Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard. 

Ang PNP-SAF Elite Forces ay pinangungunahan ni  Lt. Gen. Guillermo Eleazar, Commander ng Joint Task Force COVID Shield. Kilala sa husay ang mga tauhan ni SAF director MGen. Amado Clifton Empiso nang gampanan nito ang tungkulin sa Metro Manila nang umayuda sa National Capital Region Police Office (NCRPO). Nasi­siguro kong mawawalis ang mga pasaway sa kalye sa Cebu. Kapag nagpumilit ang mga ito tiyak na sa rehas ang bagsak nila at mahaharap pa sila sa mga kaso.

Ang mga kasundaluhan naman na mula sa Central Command sa pamumuno ni Lieutenant General Roberto Ancan kasama na ang PCG ay aasiste sa tropa ng kapulisan at ganundin sa paghakot ng pangangailangang medical para sa lalawigan. Sa kabila naman ng pagsusumikap ni General Gamboa na mapaigting ang pagpapatrulya sa lugar, may ilang pulis pa rin ang pasaway at patuloy sa pagsusugal.

Gaya ng ginawa ni SSgt. Charlito Sanchez na nadakma ng mga tauhan ni BGen. Ronald Lee sa isang tupadahan (sabong) sa Bgy. Sudlon, Lahug, Cebu City. Kaya himas rehas muna siya kasama ang tatlo pa niyang kasama. Tiyak na masisibak siya sa serbisyo at madadamay sa kahihiyan at gutom ang kanyang pamilya. Sa halip na magsilbi sa bayan bilang frontliners, inuna pa ni Sanchez ang bisyo.

Kaya mga suki kung pulis, iwasan muna ninyo ang bisyo dahil nakatutok sa inyo ngayon ang iba’t ibang unit ng kapulisan at maging ang taumbayan. Unahin muna ninyo ang maglingkod sa bayan kaysa sa inyong kapritso. Isa pa, delikado ang COVID-19. Marami nang nahawang pulis ng sakit na ito. Gets n’yo! At payo ko naman sa mga taga-Cebu, sumunod kayo sa health protocol nang mapigilan na ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa inyong probiniya.

Abangan!

COVID-19 ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with