^

PSN Opinyon

Nagising na pero...

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

GUMISING ang Metro Manila noong Hunyo 1 nang isa­ilalim sa general community quarantine (GCQ). Pinayagang magbukas ang ilang negosyo at pumasok naman ang mga may trabaho pa. Pero ngayon, matapos ang higit dalawang buwang quarantine, tila bangungot naman ang hinaharap ng karamihan.

Pinadala ng Meralco ang singil sa kuryente na hindi ginawa noong quarantine. Dahil bawal nga lumabas, hindi nakapagbasa ng metro ng kuryente ang kompanya kaya ang pinadala ay ang average consumption ng nakaraang tatlong buwan bago mag-quarantine. Marami ang uma­ngal. Siguro medyo nasanay na hindi tumanggap ng singil kaya nang dumating ay halos himatayin.

Nagpadala ng ibang singil kung saan ang aktwal na konsumo umano na ang nakalagay. Mataas pa rin kaya ngayon pumapayag na bayaran ng installment. Ayon sa Meralco, dahil nasa bahay lang lahat at nataon na tag-init, lumakas talaga ang konsumo ng bawat tahanan. Iyan ang kanilang paliwanag. Marami pa rin ang hindi makapaniwala na ganun sila kalakas gumamit ng kuryente­.

 At kung hindi iyan sapat para sirain ang araw mo, singil naman sa tubig ang pumapasok. Ganundin, ma­taas. Ayon sa Maynilad at Manila Water, iyan ang aktwal na konsumo ng mga nakaraang buwan. Ganundin ang paliwanag. Dahil nasa bahay at tag-init, mas madalas daw naligo ang marami. Nag-alok din ng installment para sa babayarin.

 Ang problema ay dahil quarantine at walang negosyo at trabaho ang karamihan noong ECQ at MECQ, walang pumasok na pera sa mga tahanan. May mga kompanya na nagbabawas pa nga ng empleyado dahil sa kawalan ng kita. Kaya ano nga naman ang ipambabayad sa mga sumisingil na kumpanya ngayon? Siguro, at personal na mungkahi ko lang ito, dapat may amnesty sa pagbayad na muna ng singil. Tulad ng 30-day grace period na ka­ilangang ibigay ng mga banko at pinansyal na institusyon sa lahat ng mga may utang.

Sa tingin ko, kulang ang 30-days na iyan pero iyan ang nakasaad sa batas. Dapat makarekober na muna kasi ng dalawa o tatlong buwan pa nga, maging negosyo o empleyado, bago matambakan ng lahat ng babayarin. Marami ang nawalan ng trabaho at may mga negosyo na napilitang magsara. Kawawa naman. Nagising nga ang lungsod pero bangungot naman ang inabot.   

vuukle comment

GCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with