^

PSN Opinyon

SSS, GSIS pension iba pa sa ayuda

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

PAULIT-ULIT sa media ang sabi-sabi na ang pensioners­ ng SSS at GSIS ay hindi na dapat tumanggap ng ayuda. Galing ‘yon sa maling pananaw na ang pensiyon ay tulong­ ng gobyerno. Hindi gan’un ‘yon.

Ang SSS, GSIS, pati OWWA, ay mga pribadong pro­vident funds ng mga miyembro. Ikaw, ako ang mga miyem­bro. Pinangangasiwaan lang sila ng gobyerno para sa atin.

Ang pensiyon ay buwanang kita ng retirees. Kinita nila ‘yon sa deka-dekadang kayod, habang naghuhulog sa SSS at GSIS.

Katiting lang ang halaga, kumpara sa dati nilang sahod. Kadalasan ay kulang pa sa buwanang gamot at iba pang gastos pangkalusugan. At lalong kapos kung ang retiree ay tumutustos ng pagkain, upa, at utilities.           

Mapunta tayo sa ayuda – social amelioration fund mula sa pambansa, at cash o pagkain mula sa lokal na gob­yeno. Sa Bayanihan Act ang SAF ay para sa una, 18 mil­­­yong mahihirap na pamilya, at kasunod, anim na mil­yong middle-class na pamilya. Binatayan ng batas na lahat sila ay natapyasan ang kita dahil sa COVID-19 pandemic at lockdowns. Ganundin ang relief mula sa city, municipal at barangay halls.

Samakatuwid, kuwalipikado ang SSS at GSIS pensioners na walang ibang inaasahan kundi ang konting pensiyon at tulong.

May pensioners na nakakaangat – nakapagsubi nang sapat, may minana, o inaalagaan ng anak. Malamang tinatanggihan nila ang ayuda o dino-donate sa dati nang kawanggawa at hikahos na kapitbahay. Iba ‘yun. Pero huwag kutyain ang lahat ng SSS at GSIS pen­sioners na kesyo huwag nang tumanggap pa ng ayuda.

Mabuti nang mailinaw ‘yon – pati sa SSS at GSIS managers.

 Siyanga pala, ang ayuda ay hindi tulong mula sa gobyerno. Buwis ‘yon na ibinayad natin – isinosoli lang sa pinaka-nangangailangan.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ(882-AM).

vuukle comment

GSIS

SSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with