_ngayon
^

Mga hijo’t hija, seryosohin ang ipinaglalabang krusada

UNFILTERED - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - June 19, 2020 - 12:00am

Marami pa rin ang G na G as in galit na galit at gigil sa aking “babala at pag-iingat” na sinabi. Putting words into my mouth which I never said.

Binato na ako ng kaldero, planggana, lababo, toilet bowl. Pero habang tumatagal mukhang nahihimasmasan na ang mga #HijaAko at #HijoAko dahil ang kanilang mga magulang, nakialam at umayon sa aking paalala.

Wild ang tinatawag nilang Generation Z at Millen­nials­­ sa social media. Maganda namang nagagamit nila ang kanilang “freedom of expression,” ‘yun nga lang kali­­mitan, walang alam, sawsaw lang.

Alam ko na sa murang edad ng mga hijo’t hija na ito, meron na silang adbokasiya at krusada na gustong simulan­. Well, ang aking maipapayo ay kung gusto nilang seryo­sohin sila ay maging kabahagi ng mga grupong “totoong­” may ipinaglalaban.

Huwag pa-post-post lang, huwag pa-chorva-chorva at kung anong kaek-ekan sa social media. If you really­ want to make a difference, be a certified or at least a honorary member.

Nandiyan naman ang Gabriela at ang Violence Gainst Crime and Corruption na subok na ng BITAG sa halos dalawang dekada naming serbisyo publiko. Sila ‘yung mga “totoong” tumutulong at “totoong” nakakaintindi sa sitwas­yon ng mga biktima.

Etong mga grupo na ito ang “totoong mundo”, lumala­ban at nagseserbisyo para sa karapatan at kapakanan ng mga kababaihan. Sila ‘yung may “totoong” adbokasiya at krusada na ipagtanggol ang mga kababaihan laban sa anumang pang-aabuso’t krimen.

Stop the hypocrisy and lies. Hindi nakukuha yan sa pasocial-social media lang. Hindi ‘yan uubra dahil anak ka o siya ng mga kilalang personalidad sa lipunan. Lalong hindi nadadala ‘yan ng apelyido ng mayayaman n’yong magulang.

Mga hijo’t hija na matapang sa social media, seryosohin n’yo ang krusada’t ipinaglalaban n’yo.  Walk your talk and walk your walk. Ang inyong pinagsasabi, dapat tumugma sa inyong ipinaglalaban.

BEN TULFO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with