_ngayon
^

Trabaho ko na ipaalam sa publiko ang laman ng utak ng sex offenders

UNFILTERED - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2020 - 12:00am

Naging Kontrobersiyal ang aking paalala sa anak ni Sen. K.P. Tinawag kong hija dahil isa akong amang nag­bi­bigay ng paalala subalit iba ang kanyang pagkakaintindi. Sinabayan pa ng Inquirer at Rappler na lintek kung baluk­tutin ang kanilang mga balita.

Sinisisi ko raw ang mga biktima ng panghahalay o pang-aabuso sa aking post sa Twitter at sa Facebook. Hinihikayat ko rin daw ang kultura ng panghahalay dahil binibigyan ko raw ng dahilan ang mga manyakis para bastusin ang mga kababaihan. Mga U-LOL (You Laugh Out Loud)! Iba ‘yung sinisisi mo ang babae na biktima ng panghahalay at sexual na pang-aabuso kumpara sa pag­bibigay ng paalala, babala at paglalantad ng katotohanan sa nilalaman ng utak ng mga kriminal.

Takbuhan kami ng mga biktimang nahahalay simula noon at hanggang ngayon. Kaya trabaho ko na suriin at ipaalam sa publiko ang laman ng utak ng rapists at sex offenders. Hindi ako basta nagsasalita lang, base ito sa pag-aaral namin sa United States kasama ang mga detective at parole officer na nagmomonitor ng convicted sex offenders.

Ito ‘yung kailangang malaman ng ating mga kababayan bilang precaution. Ang mga kaalamang ito ay base sa pangungumpisal at tips mula mismo sa mga nakausap­ naming sex offenders. Salamat sa katangahan at kabobo­­han ng Philippine Daily Inquirer at Rappler, isama na ang inyong trolls na pinuputakti ako ng mga masasakit at nega­tibong comments sa social media.

Akala n’yo siguro titiklop ako tulad ng pamba-bash na ginawa n’yo sa Philippine National Police (PNP)-Lucban, Quezon. Iba ang kanilang ginawa, may bahid katangahan at walang clearance sa nakatataas.

Ibig bang sabihin na kapag ikaw ay nagbigay ng pa­­alala na “mag-ingat” sa pananamit dahil maaari itong ma­ka­pukaw ng atensiyon ng mga halimaw sa lansangan ay pagpoprotekta na sa sex offenders at iba pang kri­minal? Wala naman akong pakialam kung magdamit o maghubad kayo, lalaki, babae, matanda, bata. Nasa inyo yan eh, that’s your choice and  there will always be a consequence.

Ang punto ko ay ibahagi ang kaisipan ng mga rapist o mga sex offenders kabilang na rito ang mga juvenile na protektado ng batas ng tatay mo hija. At dahil nagsalita ako, marami ang hindi nagustuhan ang aking tema.

Nagpapasalamat ako sa pagkilala at pagtanggap mo hija sa aking paalala. Calling you “hija” was like a father calling a daughter.  Sa paggamit mo ng “hija” sa iyong Twitter account,  patuloy na mananatili ang gabay at anino ni Ben Tulfo sa iyo.

BEN TULFO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with