^

PSN Opinyon

Buwis na naman?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ITO na naman tayo. Lumabas ang balita na papatawan na rin ng buwis ang mga nagbebenta online o sa internet. Naging laganap ang pagbenta online ng halos lahat ng kagamitan at pagkain dahil sa mahigpit na quarantine na tumagal ng higit dalawang buwan. Lumaganap nga ang mga nagbenta ng pagkain. Pati grocery nakapamili ang tao dahil sa online ordering. Natural na umangal ang mga negosyante. Higit dalawang buwan ang quarantine kung saan malaki ang nabawasan sa kanilang benta. Nga­­yong may paraan na para gumalaw ang negosyo at ma­kabawi, buwis kaagad ang nababadyang harapin.

Dahil sa matinding pag-angal, paalaala lang daw ang nais ipamahala ng BIR sa mga online sellers at hindi naman daw bubuwisan kaagad. Nagsalita rin si Presidential Spokesperson Harry Roque na mga kumikita lang ng higit P200,000 kada taon ang papatawan ng buwis, pero lahat ng online sellers ay kailangang magrehistro. Nagsalita naman ang Department of Finance na talagang ipa­tutupad nila ang pagrehistro ng lahat ng online sellers­. Siyempre, kapag rehistrado na, madali nang habulin ng BIR, hindi ba?

Wala na tayong narinig mula sa administrasyong ito kundi bagong buwis. Pinatupad ang TRAIN Law kung saan malaki ang nadagdag sa presyo ng gasolina at iba pang produkto. Ngayon, gustong patawan ng buwis ang online sellers. May nagpanukala pa na dapat patawan ng buwis ang online streaming ng tugtog at video. Papatawan ang Netflix at Spotify? Ganun ba yun?

May mga mambabatas na umangal sa mga panukalang ito. Sinita ang mga POGO kung nakabayad na ng buwis sa kabila ng lahat ng perwisyong ipinasok sa bansa. Baka puwedeng maglabas ng pahayag ang BIR kung nakabayad na nga dahil ang alam ko sila ang may malaking utang sa bayan. Kung naghahanap ng pera ang gobyerno dahil malaki na ang ginastos sa Bayanihan To Heal As One Law, hindi ba dapat singilin na muna lahat ng utang ng POGO bago ipasa na naman sa mamamayan ang buwis?

vuukle comment

BIR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with