^

PSN Opinyon

Biktima ng frat

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Unang bahagi)

Ang kataksilan ay sirkumstansiyang nagpapabigat sa pagpatay kaya ang krimen ay nagiging murder imbes na homicide. Dapat muna itong mapatunayan tulad din ng mismong krimen. Ang isa pang sirkumstansiyang nakakadagdag sa bigat ng krimen para maging murder ay ang pag-abuso sa lakas ng katawan. Pero kung mayroong kataksilan ay dapat pa ba na patunayan ang paggamit ng lakas sa paggawa ng krimen. Ito ang isyung sasagutin sa kaso ni Jun (hindi niya tunay na pangalan).

Isa sa mga tinedyer na nagkalat sa kalsada ay si Jun kasama niya ang ibang kabarkada na pawang miyembro ng isang gang. Nakatira rin sa lugar si Eric na isang Fine Arts student at nagtatrabahong pintor para suportahan ang pag-aaral. Patunay ng tattoo sa likod ni Jun na may isang taon na siyang miyembro ng Oxo Gang.

Nangyari ang insidente isang umaga, sa pagitan ng alas-sais at alas-siyete, nang undayan ng saksak si Eric sa kanto. Tinamaan siya sa likurang bahagi ng dibdib at may lalim na 19.3 centimetro ang sugat. Tumagos hanggang sa puso niya ang kutsilyo kaya kahit nadala sa ospital ay binawian din siya ng buhay. Ayon sa postmortem exam ng bangkay, nagmula sa likuran ang kriminal at bahagyang gumalaw sa kaliwang bahagi bago sinaksak ang biktima.

Matapos ang paunang imbestigasyon, isang impormasyon ang isinampa para sa kasong murder laban kay Jun at sa apat niyang kasamahan (John Does) base sa naging imbestigasyon ni Sgt. Mendoza at ng dalawang eye-witness na sina Rudy at Nardo na nakatayo noon sa kanto at nasaksihan ang insidente.

Sa paglilitis, ginawang testigo ng prosekusyon si Sarhento Mendoza na nag-ulat na ang insidenteng nangyari ay parte ng initiation ng Sigue-Sigue at Oxo Gang ayon na rin sa sumbong sa kanya. Sina Rudy at Nardo ay tumestigo rin. Nakita raw nila na nagtatakbuhan ang mga tao. Sabi ni Rudy, mula raw sa kalsada ay nakita niya si Jun na may dalang kutsilyo at hinahabol si Eric kasunod ng apat na lalaki. Nang abutan si Eric, inundayan ito ng saksak ni Jun habang pumapalakpak ang mga kasama. Samantala, hindi naman aktuwal na nakita ni Nardo ang nangyari dahil may tatlong hakbang pa ang layo niya mula sa likuran ni Rudy at nagsisindi ng sigarilyo. Ang nakita lang daw niya ay si Jun na may hawak na kutsilyo na may bahid ng dugo at humahabol pa rin kay Eric na tumatakbo na rin kahit na puno ng dugo ang damit. Narinig din daw niya ang panaghoy ni Eric at ang sinabing “bakit ninyo ako sinaksak wala naman akong kasalanan” pagkatapos ay ang palakpakan ng ibang lalaking humahabol sa biktima. Hindi na raw alam ng dalawa kung ano pa ang nangyari dahil natakot na rin sila at nagsibalik sa kanya-kanyang trabaho. Nabalitaan na lang daw nila na namatay ang biktima dahil sa tinamong mga sugat.

Nagpalusot naman ang akusadong si Jun. Ang alibi niya ay nagbabakasyon siya sa bahay ng lola niya sa Bicol nang mangyari ang pananaksak. Tatlong buwan daw siya doon at kinampihan pa siya ng ina.

Matapos ang paglilitis, napatunayan na nagkasala si Jun at nahatulan ng kamatayan para sa kasong murder. Ayon sa korte, nakabigat sa kanyang kaso ang presensiya ng kataksilan at paggamit ng lakas sa paggawa ng krimen. (Itutuloy)

ANG kataksilan ay sirkumstansiyang nagpapabigat sa pagpatay kaya ang krimen ay nagiging murder imbes na homicide. Dapat muna itong mapatunayan tulad din ng mismong krimen. Ang isa pang sirkumstansiyang nakakadagdag sa bigat ng krimen para maging murder ay ang pag-abuso sa lakas ng katawan. Pero kung mayroong kataksilan ay dapat pa ba na patunayan ang paggamit ng lakas sa paggawa ng krimen. Ito ang isyung sasagutin sa kaso ni Jun (hindi niya tunay na pangalan).

Isa sa mga tinedyer na nagkalat sa kalsada ay si Jun kasama niya ang ibang kabarkada na pawang miyembro ng isang gang. Nakatira rin sa lugar si Eric na isang Fine Arts student at nagtatrabahong pintor para suportahan ang pag-aaral. Patunay ng tattoo sa likod ni Jun na may isang taon na siyang miyembro ng Oxo Gang.

Nangyari ang insidente isang umaga, sa pagitan ng alas-sais at alas-siyete, nang undayan ng saksak si Eric sa kanto. Tinamaan siya sa likurang bahagi ng dibdib at may lalim na 19.3 centimetro ang sugat. Tumagos hanggang sa puso niya ang kutsilyo kaya kahit nadala sa ospital ay binawian din siya ng buhay. Ayon sa postmortem exam ng bangkay, nagmula sa likuran ang kriminal at bahagyang gumalaw sa kaliwang bahagi bago sinaksak ang biktima.

Matapos ang paunang imbestigasyon, isang impormasyon ang isinampa para sa kasong murder laban kay Jun at sa apat niyang kasamahan (John Does) base sa naging imbestigasyon ni Sgt. Mendoza at ng dalawang eye-witness na sina Rudy at Nardo na nakatayo noon sa kanto at nasaksihan ang insidente.

Sa paglilitis, ginawang testigo ng prosekusyon si Sarhento Mendoza na nag-ulat na ang insidenteng nangyari ay parte ng initiation ng Sigue-Sigue at Oxo Gang ayon na rin sa sumbong sa kanya. Sina Rudy at Nardo ay tumestigo rin. Nakita raw nila na nagtatakbuhan ang mga tao. Sabi ni Rudy, mula raw sa kalsada ay nakita niya si Jun na may dalang kutsilyo at hinahabol si Eric kasunod ng apat na lalaki. Nang abutan si Eric, inundayan ito ng saksak ni Jun habang pumapalakpak ang mga kasama. Samantala, hindi naman aktuwal na nakita ni Nardo ang nangyari dahil may tatlong hakbang pa ang layo niya mula sa likuran ni Rudy at nagsisindi ng sigarilyo. Ang nakita lang daw niya ay si Jun na may hawak na kutsilyo na may bahid ng dugo at humahabol pa rin kay Eric na tumatakbo na rin kahit na puno ng dugo ang damit. Narinig din daw niya ang panaghoy ni Eric at ang sinabing “bakit ninyo ako sinaksak wala naman akong kasalanan” pagkatapos ay ang palakpakan ng ibang lalaking humahabol sa biktima. Hindi na raw alam ng dalawa kung ano pa ang nangyari dahil natakot na rin sila at nagsibalik sa kanya-kanyang trabaho. Nabalitaan na lang daw nila na namatay ang biktima dahil sa tinamong mga sugat.

Nagpalusot naman ang akusadong si Jun. Ang alibi niya ay nagbabakasyon siya sa bahay ng lola niya sa Bicol nang mangyari ang pananaksak. Tatlong buwan daw siya doon at kinampihan pa siya ng ina.

Matapos ang paglilitis, napatunayan na nagkasala si Jun at nahatulan ng kamatayan para sa kasong murder. Ayon sa korte, nakabigat sa kanyang kaso ang presensiya ng kataksilan at paggamit ng lakas sa paggawa ng krimen. (Itutuloy)

vuukle comment

HOMICIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with