Malapit nang bumalik ang lotto
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - June 9, 2020 - 12:00am

NARARAPAT nang ibalik ang operasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nang mas marami pa ang matutulungang mahihirap nating mga kababayan. Kapag pinayagan nang bumalik ang PCSO, tiyak na makakabangon ang mga Lotto, Keno at Sweepstakes agents sa buong bansa.

Nalaman ko na kapag ibinalik ang operasyon ng PCSO, babalik na sa P20 ang presyo ng tiket ng lotto, mula sa dating P24. Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, kasama na sa naturang presyo ang value-added tax (VAT). “Babalik po kami ng P20 inclusive na po ang VAT ,” ani Garma sa panayam sa radyo.

Noong 2018, tinaasan ng PCSO ang presyo ng lotto ticket at ginawang P24. Samantala, bukod naman sa pagbabawas ng presyo ng tiket ng lotto, plano rin ng PCSO na palitan ang regulasyon sa pagbibigay nila ng consolation prizes. Paliwanag ni Garma, hindi na hahatiin sa mga nanalong mananaya ang halaga ng consolation prize at sa halip ay ibibigay sa bawat isa sa kanila ang kabuuang halaga nito. “Except for jackpot prize, ‘yung other consolation prizes po, kung ano po ‘yung amount sa consolation prize ‘yun din po ang matatanggap ng ating mananaya,” sabi ni Garma.

Upang mahikayat ang mga mamamayan na mag-invest sa lottery sa kanilang pagbabalik-operasyon, sinabi ni Garma na babawasan na rin ng PCSO ang mga itinatakdang requirement para sa pag-franchise ng lotto outlet business.

Ang operasyon ng lotto ay sinuspinde noong Marso dahil sa COVID-19, dahilan upang malugi ang ahensiya ng bilyun-bilyong halaga. Apektado rin ang nasa halos 7,000 lotto agents at 220,000 small town lottery operators nila. Kahit naman tigil ang operasyon, tuloy pa rin ang pamimigay ng tulong medikal ng PCSO sa mga nangangailangang mamamayan. Noong Hunyo 1-5, umabot sa 4,453 mamamayan ang kanilang napagkalooban ng P34 milyong halaga ng tulong medikal sa ilalim ng kanilang Medical Access Program (MAP).

Sinabi ni Garma na umapela na sila sa Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan na silang makapag-operate sa mga susunod na araw. Pinag-aaralan na raw ng IATF ang kanilang request na ibalik ang palaro ng PCSO.

LOTTO PCSO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with