^

PSN Opinyon

Pangalawang problema: Edukasyon

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Walang bakuna, walang pasok. Natatandaan ba ninyo ang pahayag na ito ni President Duterte? Hindi siya sang-ayon sa regular na pasukan kung saan magsasama-sama ang mga mag-aaral sa isang silid-aralan. Para saan pa ang pag-iingat kung ganyan lang ang gagawin at sa mga bata pa? Pero matutuloy ang pagsimula ng pasukan sa Agosto 24, 2020 na pinagkasunduan ng IATF-EID at DepEd.

Maraming alituntunin ang ilalatag para sa pagbukas ng klase. Papayagan lang ang tinatawag na face-to-face learning kung saan pisikal na papasok ang mga mag-aaral kapag natukoy na mababa na ang posibilidad na mahawa sa COVID-19. Hindi ito pare-pareho sa bawat paaralan o kolehiyo. Magiging mahigpit rin sa kalinisan ng bawat mag-aaral. Dapat pag-aralan din ang iba’t-ibang pamamaraan ng pag-aaral tulad ng tinatawag na blended learning, videoconferencing, homeschooling at iba pa. Simula Hunyo 1, kailangang magseminar ang mga guro sa iba’t ibang pamamahagi ng pag-aaral na dulot nga ng new normal. Nagsimula na rin ang enrollment nong Hunyo 1.

Hindi pa nag-aaral ang aking kambal, pero may mga pamangkin akong pumapasok pa. Kita mo ang dismaya nila sa magiging bagong pamamaraan ng pag-aaral ngayon. Ang pagpasok nga naman sa paaralan ay hindi para sa pag-aaral lamang kundi para makasama ang mga kaklase’t kaibigan at para sa karanasan. Hindi ko maisip kung paano mapapatupad ang mga subject kung saan maraming laboratoryo kung hindi papasok sa paaralan. Sa totoo lang hindi ko maisip kung paano makapag-aaral nang maayos ang mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Naiintindihan ko ang homeschooling pero may limitasyon din ito. At paano ang mga walang gadget o internet? Maaasahan ba ang internet sa bansa?

At ganundin, lahat iyan ay puwedeng magbago kung sisipa ang bilang ng COVID-19 sa paaralan. Ang delikado dito ay mga bata na ang hahawahan. Kung hindi pinayagang lumabas ang mga bata noong quarantine, ligtas na kaya ngayon o sa Agosto? Maraming nagbabala sa tinawang na second wave. Huwag sanang magmula sa mga paaralan.

vuukle comment

EDUKASYON

PRESIDENT DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with