^

PSN Opinyon

OFWs na nawalan ng trabaho, puwedeng magnegosyo!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Mahigit 300,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang nagkasakit o nawalan ng hanapbuhay dahil sa COVID-19 pandemic. Base sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE) karamihan sa mga naapektuhang OFWs ay nawalan ng pinagkakitaan, ngunit ang ikinagulat ni Labor Secretary Sivestre Bello ay mas pinili ng mga ito na manatili sa abroad kahit nakanganga sila keysa umuwi sa bansa. Ayon kay Bello halos 200,000 sa mga nawalan ng trabaho ang gusto manatili sa ibang bansa dahil umaasa pa ang mga ito makakabalik sa kanilang dati o makakuha pa ng bagong pagkakakitaan.

Sa totoo lang, hindi naman nakakagulat na mas gusto nilang mas manatili sa abroad dahil sa katotohanan na sila ay walang aasahan hanapbuhay dito sa Pinas dahil bagsak ang ekonomiya at magugutom ang kanilang pamilya. Dipugaaa! Halos 7.3 milyong Pinoy ang nawalan ng trabaho sa Pinas dahil sa COVID at makadagdag pa itong mga OFWs kapag umuwi sila, di ba mga kosa? Ito ay kahit ipinapangako ni Bello na bibigyan prayoridad ang mga magbabalik sa Pinas na OFWs sa 1 milyong trabaho nakaumang na “build, build, build” program ng gobyerno ni President Digong.

Kung sabagay, hindi naman kailangang makipag-agawan ang mga umuwing 50,000 OFWs sa trabaho dahil maari naman silang magtayo ng kanilang negosyo kung kanilang nais.  Kasi nga, inihahanda na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at National Reintegration Center for OFWs (NCRO) ang livelihood program para sa gusto magnegosyong OFWs. At hindi dapat mangamba ang mga undocumented OFWs dahil sakop sila sa programang ito. Dipugaaaa!

Ayon kay NRCO director Roel Martin mayroon silang P30 million initial budget para sa ipamimigay na P10,000 sa mga undocumented OFWs na interesadong magtayo ng sari-sari store or kahit anong negosyo na babagay sa kanilang lugar at kanilang pagkukunan ng araw-araw na panggastos. Kailangan lamang ang mga undocumented OFWs na mag-a-apply sa NRCO ay magtraining at  makukuha na ang ayuda mula sa gobyerno.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with