^

PSN Opinyon

Siniraan si Yorme (Ika-2 bahagi)

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Dahil wala siyang pera at kapangyarihan, nakaisip si Pablo ng pakana na kukumbinsi sa kanyang mga kababayan na tanggalin sa puwesto si Mayor Karloss Bacarro.

Nagpakuha siya ng litrato na kunwari ay nakabigti gamit ang lubid na nakatali sa dulo ng puno pero ang totoo ay nakatayo lang siya sa isang bariles. Matapos magpagawa nang maraming kopya ng litrato, pinadala niya ito sa mga diyaryo hindi lang sa probinsiya kung hindi sa buong Pilipinas. Isinama pa niya ang isang suicide note kung saan ginamit niya ang pekeng pangalan na “Roberto Rivera” at pinalabas na sulat niya ito para sa kanyang misis.

Sinasabi sa sulat: ‘‘Mahal kong asawa, kapag may nagtanong kung bakit ko ginawa ang pagbibigti, sabihin mo na ginawa ko ito dahil hindi ko gusto ang pamamalakad ni Mayor Karloss Bacarro.

Sabihin mo rin ito sa buong bansa. Kapag itinanong nila kung ano ang ayaw ko sa kaniyang administrasyon, ituro mo sa kanila ang lahat ng anomalya at pangungurakot na kanyang ginawa, pati ang mga pandarambong na hinahayaan niyang mangyari sa ating siyudad. Aking asawa, sulatan mo ang Presidente, sabihin mo na dito sa ating siyudad, ang gobyerno ay pinamamahayan ng mga abusado, kurakot at walang silbing politiko na tulad ni Mayor Karloss. Sabihin mo rin sa ating mga anak na sunugin nila ang litrato ng mayor kapag may nakuha sila. Nagpatiwakal ako dahil wala akong kapangyarihan na tanggalin siya sa puwesto kaya iyon na lang nakaupo ang sisibak sa kanya sa tungkulin. Kusa akong nagsakripisyo para lang matanggal at mapaalis siya sa tungkulin.”

(Itutuloy)

vuukle comment

BATAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with