^

PSN Opinyon

Si Dr. Leopoldo ‘Bong’ Vega na nga?

DURIAN SHAKE - Edith Regalado - Pilipino Star Ngayon

Inihayag ni President Duterte ang pagtatalaga kay Doc  Leopoldo ‘‘Bong’’ Vega bilang Department of Health (DOH) Undersecretary sa isang weekly meeting ng Inter-Agency Task Force against Infectious Disease sa Matina Enclaves Residences dito sa Davao City noong Huwebes ng gabi.

Sino ba si Doc Bong Vega? Si Doc Bong ay matagal nang kilala dito sa Davao City bilang magaling na doctor at administrator ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) simula pa noong 2009 kung saan ang ospital ay may 600 beds lamang. Ngunit ngayon ang SPMC ay meron nang 1,500 beds na pinakamala-king public hospital sa bansa.

Maganda ang track record ni Doc Bong dahil sobra siyang magaling at performer talaga batay sa improvements ng SPMC na ngayon ay talagang dinarayo na mga pasyente di lamang ng mga taga-Davao City kundi pati ng mga taga-karatig na rehiyon, taga-Visayas at mga taga-Luzon.

Ito ay dahil nakapag-establish si Doc Bong ng iba’t ibang  institutes of specialties sa SPMC including cancer ins­titute, heart institute, orthopedic institute, institute for women and new born health as well as the opening this September of a children acute care and trauma institute. In terms of physical structure ng SPMC, malaki na ito ngayon dahil nakapagtayo na ng ilang gusali. Iyan ay dahil sa pagsisikap ni Doc Bong at kanyang team.

Ang balita ko tahasang pinuri ni President Duterte si Doc Bong bago niya inanunsyong maging Health Usec. Hindi pa rin ba ‘yun gets ni DOH Sec. Francisco Duque III na halos kada meeting ng IATF ay nililinis ng Presidente ang dumi o kapalpakan na ginagawa niya.

Sana naman hindi lang Health Undersecretary si Doc   Bong. Sana, mula ngayon hanggang Martes (June 9) ay magkaroon ng balita na siya na ang DOH Secretary kapalit ni Duque. At para kay Duque, nakakahiya ka nga. Totoo. Nakakahiya na ang iyong kapalpakan ay ipinasa mo sa mga tauhan.

Hurray to Doc Bong Vega!

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with