Nakakalitong travel authority
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - June 6, 2020 - 12:00am

MATAPOS ideklarang general community quarantine ang Metro Manila ilang kababayan ang nahihirapan pa ring makalabas o makabiyahe patungo sa kanilang probinsiya. Ayon kay PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa wala nang hadlang na makakalabas ang mga locally stranded individuals sa Metro Manila, subalit kung kayo ay stranded sa mga lalawigan o uuwi ng inyong mga probinsiya,  kukuha muna ng travel authority at kailangan ay coordinated ito sa mga lalawigan na pupuntahan. Kailangang kumuha ng travel clearance sa local government units saka ipapasa sa chief of police bago iproseso ng Inter-Agency Task Force.

Subalit kung kayo ay nasa Metro Manila, mabibigyan agad kayo ng travel authority basta dumaan lang sa proseso ng Joint Task Force COVID-19. Hindi magiging hadlang ang kapulisan sa pagbibiyahe kung maayos ang requirement na travel authority. Sa ngayon kasi ang pinapayagan pa lang ay ang mga na-stranded na overseas Filipino workers, seafarers at mga estudyante na inabot ng lockdown sa Metro Manila. Ang masakit lang may ilang lalawigan ang tutol sa pagpapauwi sa mga ito.

Pakiusap kay DILG Sec. Eduardo Año na plantsahing maigi ang pagproseso ng travel authority. Ang isyu sa paghi­higpit ng mga LGUs na makapasok ang mga taga-Metro Manila sa mga lalawigan dahil sa kakulangan ng swab at rapid test sa mga pinaghihinalaang may COVID. Kaya hindi masisisi na matakot ang LGUs na magpapasok sa kanilang nasasakupan. May mga lalawigan pa kasi na kulang na kulang ang pasilidad para gumamot sa mga nagposibo sa COVID.

Calling DOH Sec. Francisco Duque, sana mapunan ang kakulangan ng mga ospital natin para maging mabilis ang pagsasailalim sa testing ang mga indibidwal na hinihinalang may COVID-19. Abangan!

ARCHIE FRANCISCO GAMBOA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with