EDITORYAL - Kahinaan ng DOTr
(Pilipino Star Ngayon) - June 4, 2020 - 12:00am

Mas nauna pang kumilos ang Quezon City govern­ment kaysa Department of Transportation (DOTr) para matulungan ang mga stranded na pasahero sa Commonwealth Avenue sa ikalawang araw ng general community quarantine (GCQ). Maraming bus ang pinayaot ng QC government kahapon at naisakay ang mga pasahero na ang karamihan ay alas kuwatro pa naghihintay.

Unang nakita ang kahinaan ng DOTr noong Lunes sa pagsisimula ng GCQ. Tambak ang stran-ded at hindi gumagawa ng paraan ang DOTr kung paano masosolusyunan ang problema. Nagbalik-trabaho ang mga manggagawa pero ang kawalan nang masasakyan ang bumulaga sa kanila. Kahit pinabiyahe na ang Metro Rail Transit (MRT), Light Rail Transit (LRT) at Philippine National Railways (PNR) ay hindi makasapat sapagkat limitado ang sakay. Hindi pinapayagan na mamutiktik sa pasahero ang mga train upang maiwasan ang paghahawahan ng virus. Iilan lang ang mga pinayagang bus at pawang Point to Point buses (P2P). Limitado rin ang laman ng mga ito dahil sa pinatutupad na social distancing. Pinayagan na ring makabiyahe ang mga taxi at TNVS.

May mga mabubuting puso na pinasasakay ang mga stranded na pasahero sa Commonwealth noong Lunes. Isang pickup truck ang nagmagandang loob na pinasakay ang mga stranded kaya naglundagan ang mga ito. Hindi na nasunod ang social distan-cing sa pagkakataong iyon sapagkat ang nasa isip nila ay kailangang makasakay para makarating sa trabaho. Kung hindi makikipag-agawan sa pagsakay, imposibleng makarating sa pinagtatrabahuhan. Ang kawawa ay ang mga babae na hindi magawang maki-pagbalyahan at makasampa sa truck.

Malinaw na hindi napaghandaan ng DOTr ang sitwasyon nang pagdagsa ng mga tao nang ilagay sa GCQ ang Metro Manila. Dapat noon pa meron na silang naihandang alternatibong masasakyan ang mga tao para hindi naman naging kawawa ang mga ito. Kung hindi makagagawa ng mahusay na paraan ang DOTr, magpapatuloy ang kalbaryo ng commuters kung paano makakarating sa kani-kanilang trabaho. Paano gugulong ang ekonomiya kung walang sasakyan ang mga empleyado at mga manggagawa patungo sa trabaho? Payagan na ang ilang pampublikong sasakyan na makabiyahe pero ipasunod ang mahigpit na pag-iingat.

LRT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with