Tips para lumakas
DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon) - June 4, 2020 - 12:00am

Narito ang aking mga payo para lumakas ang panga­ngatawan:

•  Mag-isip ng positibo. Magkaroon ng confidence at layunin sa buhay.

•  Magpapayat kung mataba. Umiwas sa mga matatabang pagkain at junk foods. Mag-eherisyo para pumayat.

•  Magpataba naman kung payat. Kumain ng pagkaing may protina, tulad ng nilagang baka, adobong baboy at sabaw ng manok.

•  Matulog ng 7-8 oras.

• Mag-siyesta at magpahinga kahit 15 minutos.

• Magbakasyon ng tatlong araw sa probinsya o sa beach.

• Magpaaraw sa umaga. Kailangan natin ng araw para makagawa ng vitamin D.

• Pintahan ang iyong bahay. Bumili ng makukulay na dekorasyon sa bahay. Ayon sa pag-aaral, ang kulay na pula ay nagbibigay ng panandaliang energy at ang green naman ay maaliwalas sa mata.

• Makinig ng musika. Makinig ng paborito mong musika na nagbibigay sa iyo ng sigla. Huwag puro sad songs at baka malungkot ka lang.

•  Uminom ng 8-10 basong tubig. Umiwas sa energy drinks.

•  Huwag magdroga (amphetamines, shabu, ecstasy).

•  Kung laging pagod, alamin kung bakit kaya. Minsan ang pagkapagod ay senyales ng pagkakaroon ng sipon, trangkaso o ibang sakit. Magpatingin sa doktor.

• Magdasal at humingi ng lakas. Magbasa ng Bibliya at mga librong nagbibigay ng inspirasyon. Ang ating asawa, anak at mahal sa buhay ang nagbibigay sa atin ng lakas at kasiyahan sa buhay.

DOC WILLIE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with