Ayuda anomaly karima-rimarim A
AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche (Pilipino Star Ngayon) - June 4, 2020 - 12:00am

Nakakakulo ng dugo ang balita na may mga  lugar sa bansa na maraming mahihirap ang hindi nakakuha ng Social Amelioration Program (SAP) pero yung mismong mga malapit na kamag-anak ng mga barangay officials ay naunang nabigyan. Sabi nga ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa ilalim ng alituntunin, hindi ubrang bigyan ang mga kapamilya ng mga barangay officials dahil ito ay conflict of interest.

Ang pagiging opisyal ng barangay ay hindi dapat gamitin sa makasariling interes kundi para sa kapakanan ng mga residenteng mas kapuspalad kaysa iba. Rurok na ng kawalanghiyaan kapag ang tulong na nakalaan sa mahihirap ay una pang pakikinabangan ng mga kaanak ng mga opisyal.

Hinihintay ng madla ngayon ang karampatang gagawin ng DILG laban sa mga mapagsamantalang opisyal na sa tingin ko ay dapat parusahan dahil nakakarimarim ang ginawa nila.

Isipin na lang na nasa General Community Quarantine na tayo (GCQ) umabot pa sa 350,000 karapat-dapat na benepisyaryo ang hindi pa naabutan ng Social Amelioration Program? Si Presidente Duterte mismo ang nagharap nito sa isang report na isinumite sa Kongreso.

Ayon sa ulat ng Pangulo, nasa 17,579,395 beneficiaries lamang ang nabiyayaan ng SAP hanggang May 29. Kunsabagay ito’y 98 percent na ng 17,938,422 tinatayang benepisyaryo. Pero ang natitirang bilang na mahigit 300 libong maralita ay malaking bilang pa rin.

Paliwanag ng Palasyo, ang mga hindi nabigyan pa ay nasa talaan ng mga maghihintay na mapagkalooban. Okay iyan pero ang gutom na sikmura ay hindi puwedeng maghintay nang napakatagal. Dapat nang putulin ang masamang practice ng ilang opisyal ng barangay na pinipili kung sino ang unang aabutan.

SAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with