EDITORYAL - Nasaan na mga naarestong Chinese POGO workers?
(Pilipino Star Ngayon) - June 3, 2020 - 12:00am

Marami nang naarestong Chinese na nag-oope­rate ng mga illegal Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) pero hanggang ngayon, wala pang balita kung nai-deport na ang mga ito. Mula Abril hanggang Mayo, na nasa ilalim ng community quarantine ang bansa, nagsasagawa ng illegal POGO operations ang mga Chinese sa iba’t ibang lugar sa bansa. Umabot na sa 199 illegal Chinese workers ang naaresto. Ang matindi sa mga illegal Chinese na ito, nahulihan din sila ng mga baril. Indikasyon na nakahanda silang lumaban sa mga awtoridad kapag sinalakay. Bukod sa mga baril, nakumpiska rin sa kanila ang maraming laptops, gadgets at malaking halaga ng pera rin.

Noong Abril 25, naaresto ang 44 Chinese sa Parañaque na nag-ooperate ng illegal POGO. Noong Mayo 5, naaresto ang 63 Chinese sa Bgy. Olympia, Makati City na nag-ooperate din ng illegal POGO at noong Mayo 30, 92 Chinese ang naaresto sa isang motel sa Bacoor, Cavite na ginawang POGO hub.

Mula nang maaresto ang mga Chinese, wala nang nai-report sa mga ito kung nasaan na. Ikinulong ba sila o hinayaang makalaya at ngayon ay pakalat-kalat sa bansa.

Habang marami ang sinasalakay na illegal POGO operations, sunud-sunod din ang mga sinasala­kay­­ na mga “underground Chinese clinic” na ang mga ginagamot ay mga Chinese na infected ng COVID-19. May mga clinic na sinalakay sa Makati at Parañaque­ kamakailan. Ang mga clinic ay may hospital beds, may mga gamit na pang-test sa COVID-19 at maraming gamot na ang label ay nakasulat sa Chinese. Walang permit ang mga clinic. Kinumpirmang ang mga ginagamot sa clinic ay mga Chinese na may COVID-19.

Ang pinakamalaking clinic na sinalakay ng mga pulis ay ang nasa loob ng Fontana Leisure Park sa Clark, Pampanga. May pitong kama ang pasilidad at kumpleto sa gamit para sa pagsusuri at pag-test sa mga may COVID-19. Pawang Chinese din ang gina­gamot. Wala ring maipakitang permit ang mga Chinese na nag-o-operate ng clinic. Nasa 500 Chinese ang nahuli sa loob at umano’y mga illegal POGO workers ang mga ito. Itinanggi naman ng Fontana na may kinalaman sila sa operasyon ng clinic.

Nasaan na ang mga naarestong illegal Chinese? Nakakulong ba sila o nakalaya na? Dapat ideport sila.

POGOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with