Ang layo ng kulisap sa virus
UNFILTERED - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - June 3, 2020 - 12:00am

Habang abala ang pamahalaan sa paghahanda at pag­papatupad ng general community quarantine (GCQ) na pinag-uusapan nitong mga nakaraang linggo, abala rin ang mga kontrapelo sa paghahanap ng butas.

 Sa pangunguna ni Sen. Kiko Pangilinan, mga negatibo’t mapanlasong pagpuna sa mga hakbang ng pamahalaan ang inaatupag.

Kulang na lang sa kanyang mga sinasabi, walang direksiyon ang kasalukuyang pamunuan. Huwag nang umasa dahil palpakis naman. Ang ipinagmamalaki kasi niya, ay ang kanyang “experience” umano sa pagresolba ng cocolisap noong 2014-2015.

Sa pamamagitan daw ng timely and quick science-based protocols ay nasolusyunan niya ang maramihang peste na sumira sa mga pananim ng mga magsasaka sa Quezon, Batangas, Bicol, at iba pang rehiyon.

Inihalintulad ang peste sa kasalukuyang pandemic. Teka muna, ang layo naman ng kulisap sa virus, visually speaking pa lang. Kaya pala tinawag siyang Kiko-Lisap ng mga magsasaka dahil imbes masugpo ang mga kulisap ay lalong napeste ang kanilang mga pananim.

Nawala ang mga peste dahil bumagyo, it was mother­ nature ang nagpatigil sa mga peste at hindi ikaw Senator­ Pangilinan. Tinaboy ang mga peste dala nang malakas na ulan at hangin dulot ng bagyo. Ano ngayon ang binibida mo Senator Kiko?

Sabi tuloy ng isa sa mga viewers ko kahapon sa Bitag Live, masyadong abala si Kiko-Lisap sa pagsilip ng mga ginagawa ng gobyerno. Panay ang birada laban sa admi­nistrasyon. Pero yung mga menor-de-edad na gumagawa ng krimen at protektado pa rin ng kanyang ginawang batas, hindi niya nakikita.

Bakit ba kasi hindi pa nasamang natangay lahat nang peste noon kaya tuloy ngayon walang ibang inaatupag kundi butasan, punahin, pestehin ang bawat kilos ng gobyerno.

GCQ KIKO PANGILINAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with