EDITORYAL – Ipagpatuloy ang pag-iingat
(Pilipino Star Ngayon) - June 2, 2020 - 12:00am

KAHAPON ay nagbalik-trabaho na ang mga empleyado makaraang ilagay sa general community­ quarantine (GCQ) ang Metro Manila at iba pang lungsod at bayan sa bansa. Dumagsa ang mga pasahero sa Metro Rail Transit (MRT), Light Rail Transit (LRT) at Philippine National Railways (PNR). Ang mga train at ilang Point to Point buses ang pinayagang makabiyahe. Pinayagan din ang taxi at TNVS. Pinayagan na rin sa ilang lungsod na maka­biyahe ang mga traysikel pero isa lang dapat ang pasahero. Ang mga jeepney at motorsiklong pamasada gaya ng Angkas ay hindi pa maaaring bumiyahe ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Kahit nasa GCQ na ang Metro Manila, hindi pa rin lubusang mabubuksan lahat ang mga establisimento gaya ng mga bars, sinehan, gym, at mga ka­inan na dinadagsa ng mga tao. Pawang take-out order lamang ang pinapayagan. Hindi pa rin papa­yagang makapag-operate ang mga salon at beauty parlors. Ang mga barber shop ay sa Hunyo 7 pa bu­buksan pero gupit lamang ang serbisyo at kaila­ngang sumunod ang mga barbero sa health protocols. Dapat i-disinfect ang shop at may nakahandang alcohol at sanitizer para sa customers.

Paunti-unti ang pagbabalik sa normal pero mahigpit na ipatutupad ang pag-iingat. Sa MRT at LRT, hindi makakasakay ang walang face mask. Mahigpit na ipasusunod ang physical distancing. Sa bawat train station ay may hand sanitizers na nakahanda.

Sa mga bus ay may isang metrong pagitan ang mga pasahero. Bawal din ang walang face mask. Bawal ang magsiksikan at hindi papayagan ang nakatayong pasahero. Eksakto lamang ang pasahero.

Unti-unti ang pagbabalik pero mananatili ang pag­hihigpit. Sa paghihigpit nakasisiguro na marami ang makakaligtas. Kaya mahalaga na dapat sumu­nod ang lahat sa anumang ipinag-uutos. Hindi dapat masira ang mga ginawang pag-iingat sa loob nang mahigit dalawang buwan. Nararapat itong para tulu­yang makabalik sa normal na pamumuhay. Nasa pag-iingat at pagsunod ng mamamayan ang susi.

DOTR GCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with