Kinulimbat ni Marcos gamitin kontra pandemic
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - June 2, 2020 - 10:03pm

NU’NG 14 na taong martial law ni President Ferdinand Marcos, bawal kumontra sa kanya. Sa dahas, pagkulong sa oposisyon, at pagkontrol sa media naitago ang katotohanan. Kinukulimbat nila ni first lady Imelda Romualdez Marcos ang yaman ng bansa. Nilikom nila ang gold bars sa Central Bank at mga minahan. Binigyan sila ng business cronies ng stock shares at bilyong-piso mula sa behest loans sa kanila ng mga banko ng gobyerno. Nang-agaw at namili sila ng mga lupain at mansiyon sa Baguio, Manila, Ilocos, Pangasinan, Leyte, pati sa America at Europe. Sa malimit na shopping sprees sa Paris, Hong Kong, at New York nagwaldas si Imelda ng daan-daang milyong dolyar sa alahas, gowns, sapatos, relos, handbags, at masterpiece sculptures at paintings. Sinsilyo lang ang daan-daang mil­yon pa sa Swiss bank accounts nila. Samantala, nanlupaypay ang ekonomiya; laganap ang karalitaan.

Tinatayang $30 bilyon ang dinambong ng Conjugal­ Dicta­torship. Wala pang $10 bilyon ang nabawi ng Presidential­ Commission on Good Government. Maraming doble ang halaga ngayon ng itinagong nakaw.

Hindi ikinakaila ni Imelda ang yaman nila. Sa maraming interbyu pinagmamalaki pa niya na balang araw pakikinabangan ito ng mundo.

Kasalukuyang dapa ang kabuhayan ng Pilipino dahil sa COVID-19 pandemic. Nagkukumahog ang gobyerno sa pondo para matuklas, i-test, ihiwalay, at gamutin lahat ng impektado. Kailangan ding paandarin muli ang ekonomiya sa pamamagitan ng infrastructure projects, ang “Build, Build, Build”. Saan makukuha ang pera para ru’n?

Nariyan ang pera na tinangay ng Marcoses mula sa bayan. Bawiin ito – ngayon na. Gamitin sa kabutihan ng bansa at sangkatauhan.

Nasaan ito? May ebidensiya na nakatago sa Banko Sentral, PCGG, Ombudsman, at Sandiganbayan. Meron din sa archives ng San Jose Mercury News (California) na nagbulgar nito. Kausapin ng gobyerno si Imelda. Dalawang­ cabinet members ay mga abogado niya.

FERDINAND MARCOS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with