Hindi makatarungan sa ABS-CBN (Huling bahagi)
IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - June 2, 2020 - 12:00am

INAKUSAHAN pa ang mga may-ari na “oligarchs” na dapat itumba. Umpisa na raw ito ng rebolusyon ayon din sa manunulat. Malamang ay inihahalintulad niya sa komunismo ni Karl Marx ang kanyang sinasabi. Marahil ay ayaw niya sa mga oligarko pero sana ay maisip niya na hindi ganoon ang mga may-ari ng ABS-CBN. Sila ay mga negosyanteng nagtagumpay lang na mapalago ang kanilang negosyo sa pamamagitan ng maayos na paggamit ng kanilang kapital, talino at dedikasyon sa tulong na rin ng kanilang mga opis­yales at empleyado. Ito ay hudyat ng kapitalismo at hindi komunismo.

Panghuli, dapat malaman ng publiko na nag-aalala rin ang ABS-CBN at ang mga may-ari nito sa dinaranas na kahirapan ng mga tao at mga biktima ng kalamidad ng ating bansa. Marami silang ginagawang pagtulong at financial aid sa kanilang kasalukuyang programang “Pantawid ng Pag-ibig” para tulungan ang mga kababayan natin na apek­tado ng COVID-19 pandemic.

Mayroon din silang foundation na kumakalinga at nagbibigay ng tulong sa mga biktima na sinalanta ng bagyo/kala­midad. Sa katunayan pa nga, kahit sinarado ng gobyerno ang network ay patuloy pa rin sila sa pagbabayad ng suweldo ng kanilang mga empleyado kahit walang trabaho at hinaharap ang sangkatutak na lugi sa negosyo.

Para masigurado ang hustisya at kapayapaan sa ating lipunan, dapat gawin ng mga manunulat, kolumnista pati ibang journalist na sumulat lang ng kung ano ang totoo at parehas sa lahat ng sa gayon ay maiwasan din ang galit at pagkamuhi sa kanila ng mga tao.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with