Good news ng PCSO
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - June 2, 2020 - 10:03pm

KAHIT nasa general community quarantine na ang Metro Manila at nakabalik na sa kanilang trabaho ang mama­mayan, mahigpit pa ring ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang health protocol upang maiwasan ang COVID-19. Pinayagan nang makapagbukas ang mga esta­bli­simento para may kitain ang mamamayan. Hindi naman lahat ay puwedeng lumabas ng bahay kaya tuloy pa rin ang ayuda ng pamahalaang Duterte na namumudmod na ng second tranche.

Wala ring tigil ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pagtulong sa mga mahihirap. Inaprubahan ni PCSO General Manager Royina Garma ang P191,457,806 medical assistance para sa 20,684 na mahihirap sa bansa. Ang Medical Access Program (MAP) dating Individual Me­dical Assistance Program (IMAP) ay nilikha upang umayuda sa pangangailangang medical ng mga Pilipino sa buong bansa, katulad na lamang sa hospital confinement, chemotherapy, dialysis at post-transplant medicine.

Ang programa ay pinondohan mula sa dibidendo ng mga palaro ng PCSO. Mahigit P30 milyon ay ibinigay sa National Capital Region samantalang P53.6 milyon sa Northern at Central Luzon; P42.6 milyon sa Southern Tagalog at Bicol Region; P40.1 milyon sa Visaya at P24.1 milyon sa Mindanao. Ang nasa isip ni Garma ay pagtulong sa mga mahihirap. Ika nga’y nasa mabuting pamamahala ni Garma ang PCSO kaya kahit tigil ang operasyon nito, tuloy ang tulong sa mahihirap.

Hindi basta-basta ang dagok sa bansa ng COVID-19 kaya sa magandang pamamalakad ni Garma sa PCSO, naipamudmod ang tulong sa mga mahihirap. Sabi ni Garma­ “Rest assured that the agency will find ways to meet the medical and health-related needs of all Filipinos, espe­cially the marginalized.” Ikinakasa na rin ni Garma na mabigyan­ ng hanapbuhay ang mga nawalan ng trabaho dahil sa COVID­-19 – gagawin silang authorized Lotto or Keno agent. Napagpasyahan umano ng board na babaan ang fees sa pagiging ahente. Kung noon ang bayarin sa Lotto application fees ay P2,500 at P2,500 sa Keno, ngayon ay P2,500 na lang at ahente ka na ng Lotto, Keno at Sweepstakes.

IATF PCSO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with