Balik-normal: Handa ba ang lungsod ko?
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - June 1, 2020 - 12:00am

Hindi lunas sa COVID-19 ang dinaanan nating community lockdowns. Pagkakataon lang ‘yon para paghandaan ang pagbalik natin sa “normal” na buhay. Ginamit ba natin nang wasto ang panahong ‘yon?

Bagama’t mahigpit ang precautions sa pag-alis ng lockdowns, makikisapalaran ang milyun-milyong mamamayan sa nakamamatay na impeksiyon. Hindi naman armor ang face mask, physical distancing, at malimit na paghugas ng kamay. Sa bawat paglabas ng bahay, bingit buhay ang bawat isa. Lalong kailangan matuklas, i-test, ihiwalay, at gamutin bawat hinalang kaso, payo ng World Health Organzation.

Sapat na ba ang PCR (polymerase chain reaction) test kits na gusto ng Dept. of Health? Plano kasi ni National Action Plan chief implementer Sec. Carlito Galvez ang 30,000 tests kada araw, o isang milyon kada buwan. Pinapaspasan ni Flagship Projects chief Vince Dizon na magtayo ng 61 pang processing laboratories, dagdag sa 17 lang na DOH.

Kapag matuklas, test, hiwalay at gamot bawat kaso, saka natin malalaman kung nababawasan ang impeksiyon at patay, at dumarami ang gumagaling. Kundi, magkakaroon ng kakila-kilabot na second wave. Milyunan ang mamamatay, babala ng WHO batay sa karanasan ng maraming bansa at lungsod.

Patuloy na mangalap ng personal protection equipment para sa medical workers, para hindi mahawa sa mga pasyente. At suportahan ng gobyerno ang private hospitals na nangunguna kontra COVID-19.

Hindi lang dapat national government ang naghanda. Bawat probinsya, siyudad, at munisipalidad ay nagtayo sana at pumopondo ng sariling quarantine centers. Mas malaki ang siyudad, mas maraming pasilidad. Maski sports centers ay ni-refurbish sana. Nag-recruit dapat ng health workers. ‘Yon ay para sa mild cases na hindi kailangan i-ospital.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

OVID-19
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with