^

PSN Opinyon

Hindi makatarungan sa ABS-CBN (Ika-2 bahagi)

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Pangalawa, may mga nagkalat na opinyon sa isyu tungkol sa mga kasong kinakaharap ng netwok na base lang sa pansariling pananaw at hindi totoo. May mga paratang at akusasyon tungkol daw sa ginawang paglabag ng ABS-CBN na wala namang pinanghahawakang ebidensiya at hindi naman nabigyan ng pagkakataon ang network na sumagot.

Pero dapat na malaman ng publiko na napatunayan na mali ang mga akusasyong ito sa pagdinig ng Kongreso sa House Bill 6732 habang dinidinig ang renewal ng franchise nito. Kaya nga nabigyan na ang network ng provisional franchise habang pinag-aaralan pa ang renewal.

Natanong at nasagot na ang lahat ng ito sa mga pagdinig ng iba’t ibang kinatawan ng ahensiya ng gobyerno sa Senate hearing na ginanap noong Pebrero 24, 2020 tulad na lang ng Securities and Exchange Commission (SEC), National Telecommunications Commission (NTC) at Bureau of Internal Revenue (BIR). Lahat sila ay nagsabi na walang ginawang paglabag ang ABS-CBN. Pati na nga si Sec. Silvestre Bello ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa isang interview ay nagsabi na “compliant” sa mga batas ng ahensiya ang ABS-CBN. Ang mga akusasyon tungkol sa citizenship ni Gabby Lopez ay nasagot na rin sa Senate hearing.

Pangatlo, may isang sikat at beteranong kolumnista na nagsulat ng isang artikulo at gumawa ng obserbasyon na sinulsulan daw ng ABS-CBN ang nangyayari ngayon. May binanggit pa siya tungkol sa mga sinulat ni Karl Marx. Ayon sa manunulat, ang totoong isyu raw sa ABS-CBN at sa mga may-ari nito ay hindi tungkol sa press freedom kundi pera, politika at pagkuha ng kapangyarihan. Paano ito naaabuso at paano ito humahadlang sa paglago ng ekonomiya ng bansa? Pinaratangan pa ng nasabing manunulat na bilyon ang utang ng ABS-CBN sa gobyerno at dapat na isauli kahit pa may sertipikasyon na ang BIR na nabayaran na ng network ang lahat ng buwis nito. (Itutuloy)

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with