Ituloy ang nakaugalian kahit naka-GCQ
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - May 30, 2020 - 12:00am

NASA general community quarantine (GCQ) na ang Metro Manila at iba pang rehiyon sa Lunes. May kaluwagan nang lumabas sa mga tahanan at bumalik sa mga hanapbuhay subalit mahigpit pa ring ipatutupad ang social distancing at pagsusuot ng face mask. Paiiralin pa rin ang curfew at checkpoint. Lalarga na rin ang 50 percent ng mga public utility vehicle para may masakyan ang mga magbabalik sa trabaho. Sa mga tricycle, bawal ang angkas kaya isa lamang ang pasahero at kailangan ay may plastic cover ang pagitan ng drayber at pasahero at may alcohol na nakahanda. Kailangan din na may medical permit mula sa mga LGUs ang tricycle driver upang masiguro na di sila makakahawa ng pasahero. Sa mga bus at taxi, kailangan ay may one meter distance ang kanilang pasahero. Babantayan ito ng MMDA, LTO at LTFRB kaya hindi puwedeng magpalusot ang mga drayber.

Mahigpit ang tagubilin ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar, Commander ng Task Force COVID-19 Shield sa mga tatawid sa kabilang rehiyon na kumuha muna ng travel pass clearance sa local government units na isusumite sa mga hepe ng kapulisan upang mai-coordinate sa lugar na pupuntahan. Bawat lalawigan  o siyudad ay may kanya-kanyang protocol kaya para mapabilis ang pagproseso, kumpletuhin ang requirements bago magtungo sa pupuntahang lugar. Panawagan ni Eleazar sa mamamayan na kung maaari ay huwag na munang lumabas ng bahay kung hindi naman gaanong importante ang lakad.

Panawagan ko naman mga suki, nakapagtiis tayo ng 76 na araw sa ilalim ng lockdown, ituluy-tuloy na natin ang nakaugalian para mabilis ang paglaho ng virus at makabalik na sa normal na pamumuhay. Nasa kamay natin ang kaligtasan kaya dapat sumunod sa mga alituntunin upang makaligtas sa hindi nakikitang kalaban – ang COVID-19.

GCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with