^

PSN Opinyon

Resurrection

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Sa Amerika, Europa at malalaking bansa sa Asia, isa-isa nang nire-relax ang paghihigpit bunsod ng COVID­-19. Hindi man pantay-pantay ang epekto ng sakit sa kani­lang populasyon, pare-pareho namang ikababagsak ng kanilang ekonomiya kapag ipinagpatuloy ang mga lockdown.

May mga magsasabing huwag nang makipagsapalaran at hayaan nang nakakulong ang lahat hangga’t walang bakuna. Higit na mahalaga ang buhay kaysa kabuhayan. Kung tutuusin, wala namang tututol sa ganitong argumento. Kung ganoon lang sana kasimple. Ang kaso, kailangan ding maging masigla ang ekonomiya upang patuloy nating malalabanan ang virus. At maging­ ang pagkakulong ng lahat, ito man ay may hangganan­ kapag hindi magastusan ng pamahalaan. Ang mga may­kaya, mahaba ang pisi. Paano naman ang mga naghihirap na sa ayuda lang umaasa.

Kay tagal nating hinintay ang kahihinatnan ng paghihigpit ng pamahalaan. Tinanggap natin ito nang walang pakundangan dahil tayo man ay nasa dilim sa tamang pag-unawa sa COVID-19. Anumang pagkaluging mapapasaatin ay nilulon na lang natin.

Subalit ngayon ay hindi na natin matatakasan ang katotohanan na hindi natin kakayanin na tuluyang isakri­pisyo ang ekonomiya. Dahil kapag hindi niluwagan ang mga paghihigpit, hindi lamang pagbagsak ang matutunghayan kundi malawakang pagsadsad. Walang trabaho, walang negosyo. Sa ganitong senaryo, mas malala pa ang magiging talaan ng magkakasakit at mamamatay. At hindi ito dahil sa COVID o anumang virus kundi dahil sa gutom at iba pang sakit na kaakibat ng kahirapan.

Trahedya natin na obligado tayong harapin ang isang bukas na kulang sa kasiguruhan. Sa susunod na isa hang­gang dalawang taon ay ganito ang katotohanang isasampal sa mundo. Kung kaya kahit i-relax na ang ating ECQ, kritikal pa rin na mag-mask, laging maghugas ng kamay, mag-social distancing, panatilihing sarado ang mga paaralan, ipagbawal ang mass gatherings, pagbi­yahe at ihiwalay ang may sintomas sa wala habang tayo’y nakikipagsapalaran sa labas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with