Duque dapat nang palitan
AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche (Pilipino Star Ngayon) - May 27, 2020 - 12:00am

Noong unang nagkaroon ng clamor na patalsikin na si Health Secretary Duque, kasama ako sa mga tumutol. Kasi, nasa kalagitnaan tayo ng pandemia ng COVID-19 at hindi napapanahon na magpalit ng namumuno sa ahen­syang pangkalusugan. Baka ang kapalit ay mangangapa sa dilim sa gitna ng isang maselang suliranin.

Pero sumobra na ang aberya. Nariyan ang overpricing sa mga binibiling test kit at medical supplies ng pamahalaan na sa tingin ko’y karumal-dumal sa panahong ito ng krisis. Marami na nga ang hindi naaabutan ng financial aid, mayroon pang mangungurakot? Responsibilidad iyan ng Health Secretary.

Isa pa, bakit inihayag ni Duque na nasa second wave na tayo ng pandemya eh hindi pa nga natatapos ang first wave dahil hindi pa bumaba ang bilang ng mga kaso? Ma­­riing pinasinungalingan ng Malacañang ang sinabi ni Duque. Nagpapakita iyan ng kawalang kakayahan­ ni Duque na manguna sa kampanya para sugpuin ang pan­demya.

Kahit nga China na pinagsimulan ng sakit ay nakaka­bawi na, pero tayo, tumataas pa ang mga kaso. May mga nagsasabing naghahanap na ng kapalit ni Duque ang Presidente. Pero habang sinsulat ang pitak na ito, ayaw pang kumpirmahin ito ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Hinihingi ng militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan na palitan na agad si Duque, bagay na nara­rapat lang dahil mukhang mabagal ang pag-usad ng kam­panya kontra sa pandemya. Pati nga Italya na dating na­ngu­nguna sa listahan ng nga bansang matinding na­apek­tuhan ng COVID ay bumaba na sa pangatlo. Tayo, wala pang kasiguruhan.

FRANCISCO DUQUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with