EDITORYAL - Labor Attaché sa UAE, natutulog?

EDITORYAL - Labor Attaché sa UAE, natutulog?

(Pilipino Star Ngayon) - May 26, 2020 - 12:00am

MARAMING stranded na Pinoy workers sa Abu Dhabi at Dubai, United Arab Emirates (UAE) at hindi nila alam kung hanggang kailan sila maghihintay kung paano makakauwi sa Pilipinas. Karamihan sa mga OFWs ay nagtapos na ang kontrata noon pang Marso at nakatakda nang umuwi pero inabutan ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic. Wala silang masakyan na eroplano. Marami sa kanila ang ilang beses nang nag-rebook. Pero lagi nang hindi natutuloy ang pag-alis. Lagi silang nakaabang sa airport pero laging kina-cancel ang flight. Ilang beses na umano silang nag-rebook pero wala ring pag-asang makaalis.

Maraming OFWs sa Dubai ang nagsabing nagmumulta na sila dahil overstaying na sila. Nauubos na rin ang kanilang pera dahil dalawang buwan na silang walang kayod. May mga Pinoy na pinutulan na ng kuryente at tubig dahil wala na raw maibayad.

Isang Pinoy ang nakiki-charged na lamang ng kanyang cell phone sa inuupahang bahay ng kababayan. Ang iba ay nakikiigib na lamang ng tubig sa isang malapit na mosque. Hirap na hirap na raw sila.

Isang Pinay na limang buwang buntis ang nag-aalala sa kalagayan sapagkat baka hindi na siya payagang makabiyahe kaya nakikiusap na sana ay makauwi na siya. Wala na rin umano siyang pera dahil nagastos na habang naghihintay na makaalis. Wala na umano silang pagkukunan.

Marami sa mga stranded ang nagsabing hindi sila nabibigyan ng ayuda ng mga opisyal ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) roon. Sa isang telephone interview kahapon sa Labor Attaché roon na nagngangalang Atty. Alejandro Padaen, sinabi niyang gumagawa naman sila ng hakbang para sa kapakanan ng mga stranded. Meron na umano silang nabigyan ng ayuda. Ganunman, nang tanungin si Padaen kung ilan ang kabuuan ng mga stranded OFWs sa Abu Dhabi at Dubai, wala siyang malinaw na maisagot. Wala rin siyang masabi kung ano ang tunay na kalagayan ng mga OFWs. Matatandaan na noong 2018, pinagpaliwanag na ni Labor Sec. Bello si Padaen hinggil sa nangyaring pagkamatay ng domestic helper na si Joanna Demafelis sa Kuwait. Si Demafelis ay pinatay at inilagay ang katawan sa freezer.

Natutulog ba uli ang Labor Attaché? Gisingin mo siya Sec. Bello.

UAE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with