Nakakalito ang pahayag ng ating pamahalaan
AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2020 - 12:00am

Nagulat ang taumbayan sa pahayag ni Health Secretary Duque na nasa “second wave” na raw tayo ng pandemic sa COVID-19. Katatapos nga lang luwagan ang mga quarantine protocols para makapagsimula na ang mga negosyo at makabalik na sa trabaho ang ating mga kababayan, tapos heto na naman ang “second wave?”

Kung mangyayari iyan, baka tuluyan nang bumagsak ang ekonomiya at lahat tayo’y mangamatay sa gutom at hindi dahil sa COVID-19. Hindi tayo forever masusustentuhan ng gobyerno.

Pero mabilis na kinontra ni Executive Secretary Salvador Medealdea ang pahayag at sinabing wala itong katotohanan at hindi iyan ang opisyal na pananaw ni Presidente Duterte na nakabase lang sa desisyon ng itinatag na Inter-Agency Task Force (IATF) na binuo upang siyang mangasiwa sa pakikibaka laban sa COVID. Sumegunda si Spokesman Harry Roque na humingi ng paumanhin sa madla sa pagkatakot sa maling pahayag ni Duque.

Paliwanag naman ni Dr. Anthony Leachon, special adviser ng IATF, tayo ay nasa “first wave” pa rin dahil hindi pa talaga nababawasan ng malaki ang kaso ng mga dinarapuan ng sakit bagamat nababawasan ang bilang ng mga namamatay at tumataas ang recovery rate. Ibig sabihin, hindi pa napa-flatten and curve.

Kapag dumapa na ang kurbada sa pagbaba ng bilang ng nga nagkakasakit, tapos bigla na namang tumaas, doon pa lang masasabing umakyat tayo sa second wave. Kaya labis na nakakalito ang magkakasalungat na pahayag ng gobyerno. Hindi lang nagdudulot ng kalituhan kundi sinasakmal ng takot ang ating mga kababayan at mawawalan ng pag-asa.

Pero huwag lang pamahalaan ang sisihin kung nahihirapan ang bansa na sugpuin ang COVID-19. May responsibi-lity tayong mga mamamayan na estrikong sumunod sa mga ipinatutupad na panuntunan. Huwag na nating gawing batayan ng ating pagsunod ang paglabag sa protocol ng ilang opisyal ng gobyerno. Ang importante, kapakanan nating lahat ang nakataya kaya tayo na ang magkusang sumunod.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with