STL ng PCSO, buksan na!
DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2020 - 12:00am

Buksan na sana ang gaming products ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) upang higit na makatulong ang pondo na makakalap para labanan ang COVID-19. Kahit sarado nga sila nitong lockdown, mahigit P3 bilyon ang inilabas ni PCSO General Ma-nager Royina Garma sa PhilHealth, Malasakit Center, mga ospital at may sakit nating kababayan. Iginiit ni Garma na kailangang magtulungan ang mga ahensiya ng gobyerno para pondohan ang health systems, social services at economic activities ng “Bayanihan to Heal as One Act” ni President Digong. Mula Marso, walang pumasok na pondo sa PCSO subalit pinilit ni Garma na huwag huminto ang daloy ng tulong nila sa gobyerno at publiko. Kaya kapag nagbukas uli sila, malaking tulong kapag tinangkilik ng mga Pinoy ang mga palaro ng PCSO, tulad ng Small Town Lottery, Lotto, Keno, Sweepstakes at Scratch-it, dahil ang perang nakakalap ay ibinabalik din sa health care ng mahihirap. Dipugaaaa!

Noong Mayo 21, umabot sa 867 Pinoy ang naayudahan ng PCSO sa halagang P6.2 milyon sa kanilang Medical Access Program (MAP) samantalang 871 naman noong Mayo 22 sa gastos na P7.1 milyon. Noong Marso, nakapaglagak ang PCSO ng P420 mil­yon sa PhilHealth para sa gastusin sa ospital ng mga COVID patients. Sinundan ito ng P447 milyon sa 82 ospital ng gobyerno para pambili ng Testing Kits; Rea­gents; Medical/Diagnostic Equipment; Confinement; Medicines; Laboratory/Diagnostic procedures; and Personal Protective Equipment. Naglabas din ng P4.2 milyon ang PCSO para dagdagan ang fund allocation ng Lung Center of the Philippines, Philippine Heart Center, Philippine General Hospital, Rizal Medical Center at Taguig Pateros District Hospital. Namigay din ng ambulansiya, food packs, alcohol, disinfecting solutions at face masks ang PCSO sa ating kapulisan at naglatag din ng “Libreng Sakay” sa ating frontlines. Dipugaaaa! Siyempre, iba pa rito ang P2.2 bilyon na advance release ng dibidendo ng PCSO sa Department of Finance bilang goverment-owned or controlled corporation (GOCC) ayon sa batas na Republic Act. No. 7656. Kaya dapat lang mabuksan na ang palaro ng PCSO. Abangan!

PCSO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with