Maghintay lang sisipain ka rin
DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2020 - 12:00am

Siguro nagtataka ka kung bakit sa dami at sa tindi ng mga reklamo laban sa iyo hanggang ngayon ay hindi ka pa rin napapatalsik.

Hintayin mo lang at darating din ‘yun.

Sisipain ka rin naghahanap lang ng timing.

Nasa gitna kasi tayo ng pandemic at hindi magandang magpatalsik ng isang key official sa panahong ito.

May kasabihan nga na “it is not wise to change hor-ses midstream” kaya andyan ka pa ngayon.

Nasa giyera tayo ng laban sa COVID-19 at mahirap yong sibakin ka at magsimula na namang muli sa laban natin kontra sa virus.

Alam mo mahirap magsimulang muli sa mga protocol, guideline at maging sa organization mismo ng department mo sa kalagitnaan ng laban against COVID-19.

Kung saka-sakali man, alam mo namang on the way out ka na rin.

Maghintay lang.

Ngunit kung hindi mo na kaya ang init sa loob, puwede ka namang lumabas habang maaga pa.

Huwag mo nang hintaying patalsikin pa.

DURIAN SHAKE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with