^

PSN Opinyon

Jueteng sa Rizal kahit may COVID, alam ni Gen. Danao?

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

HINDI inalintana ni alyas Marcial ang banta ng COVID-19 at nagpalaro ng jueteng sa Rizal. Masaya na sana si Marcial dahil tuluy-tuloy ang tulo ng gripo sa bulsa niya kaya lang natunugan ito ng mga ahente ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Kaya hayun... ni-raid ng CIDG ang kanyang kuta at 10 tauhan niya ang nahuli. Ang mga inaresto ay kinasuhan ng ille­gal gambling at paglabag sa “Bayanihan Heal as One Act”. Ang mga bataan ni Marcial ay nakakulong sa CIDG headquarters sa Camp Crame at inaayos na ang piyansa nila. Dipugaaaa! Dapat lang pagdusahan ni Marcial ang paglabag versus COVID.

Ang sistema pala ni Marcial ay nagme-message ang mga parukyano niya na gustong tumaya bago puntahan sila ng mga kubrador na armado ng quarantine pass. Ililista ang numerong gusto at saka dadalhin sa opisina. Dahil sarado pa naman ang Small Town Lottery (STL) ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, tiyak bumobola si Marcial ng winning combination niya. Ang winning numbers ay tini-text na lang sa mga mananaya. Dipugaaaa! Tiyak dinadaya lang ni Marcial ang mga parukyano n’ya, di ba mga kosa?

Natuklasan pa ng CIDG na nag-umpisang magpalaro si Marcial noon pang Marso 8 sa kasagsagan ng COVID, hindi lang sa Rizal, kundi sa buong bansa. Kaya hindi nag-aksaya ng oras ang mga operatiba ng CIDG na salakayin ang opisina ni Marcial sa Gloria St., Marik Subdivision sa Cainta kung saan na-pong ang mga nagkukumpol-kumpol na mga tauhan niya. Mas mahalaga kay Marcial ang pitsa kaysa buhay ng mga tauhan niya. Dipugaaaa!

Alam kaya ni Calabarzon police director Brig. Gen. Vicente Danao ang pa-jueteng ni Marcial? Noong bukas ang STL, ang nag-o-operate sa Rizal ay ang sikat na gambling lord na si Tony Santos, na ang operation manager ay si Ka Egay. May go signal kaya ni Santos ang operation ni Marcial? Abangan!

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with