Huwag maliitin ang sardinas
DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon) - May 21, 2020 - 12:00am

Karaniwang laman ng relief goods na ipinamamahagi ngayon ay mga sardinas. Huwag po itong maliitin sapagkat ang sardinas ay isa sa pinakamasustansiyang pagkain sa buong mundo.

Narito ang mga ebidensiya:

•  May taglay na Omega 3 fatty acids – Ang sardinas ay sagana sa Omega 3 na nagpapataas ng good cholesterol at pinoprotektahan ang ating puso at ugat para makaiwas sa atake sa puso at istrok.

•  May Coenzyme Q10 – Ang sardinas ay may mataas na lebel ng Coenzyme Q10, isang anti-oxidant na nagpapalakas ng katawan.

•  May calcium – Ang calcium mula sa sardinas ay      nagpapatigas ng ating buto. Kapag sasabayan ito ng eher-sisyo, mas titibay ang buto at makaiiwas sa osteoporosis.

• May Vitamin D – Ang vitamin D ay tumutulong sa pag-absorb ng calcium ng ating katawan.

• May Vitamin B12 – Napakahalaga ng Vitamin B12 para sa kalusugan ng ating mga ugat, utak, spinal cord at tumutulong sa paggawa ng dugo.

• May phosphorus – Ang sardinas ay iilan lamang sa mga pagkain na may phosphorus, na kailangan ng ating buto at ngipin.

• Hindi nakatataba – Dahil mababa sa calories ang sardinas, puwede ito sa mga taong nagdidiyeta. Mataas ito sa protina na nagbibigay ng lakas.

• Mababa sa masamang mercury – Isang dapat tandaan sa pagkain ng isda ay ang pag-iwas sa mga isda na mataas sa mercury. Ang mga maliliit na isda tulad ng sardinas, dilis, hito, galunggong at bangus ay mababa sa mercury at ligtas kainin.

• Piliin ang delatang sardinas na may tomato sauce – Bukod sa lahat ng benepisyo ng sardinas, makukuha rin ang sustansya mula sa kamatis na may sangkap na lycopene at beta-carotene na makatutulong sa pag-iwas sa sakit sa puso, prostate at stomach cancer.

DOC WILLIE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with