^

PSN Opinyon

Gov’t officials magpakita ng magandang halimbawa

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Matapos medyo magluwag ang pamahalaan at pahin­tulutang magbukas ang mga malls sa Metro Manila, parang­ nakawala sa kural ang sandamakmak na taong dumagsa sa mga lugar na nabanggit. Nangangamba ang mga eksperto sa medisina na baka lumobo uli ang kaso ng mga dinada­puan ng COVID-19.

Sayang ang pinaghirapan nating lahat na nagsakri­pisyong manatili sa ating mga tahanan para pigilin ang mabilis na pagkalat ng bagong virus. Maganda ang epekto dahil malaki na ang naitatalang recovery rate habang lumiliit ang bilang ng mga dinarapuan at namamatay.

Nabahala ang pamahalaan at nagbigay ng warning ang Malacañang na ibabalik ang mahigpit na lockdown kapag hindi nag-obserba ng personal na disiplina ang mga tao. Ipinagunita ng Malacañang na hindi porke’t pinayagang mag-operate na ang ilang establisimiyeno ay maaari nang dagsain ng tao ang mga malls nang hindi na susunod sa mga qua­rantine protocols. Walang face mask at physical distancing.

Pero para sumunod ang tao sa mga alituntunin ng pamahalaan, dapat munang ipakita ng mga opisyal ng pamahalaan na sila man ay mahigpit na sumusunod sa mga alituntunin. Pero nakalulungkot na may mga opisyal na lumalabag sa protocols tulad ng mass gathering at nagdaraos ng birthday party at inuman kahit mayroon liquor ban.

Alam na ng lahat ang isyu kay Police General at NCRPO chief Debold Sinas na binigyan ng birthday party na dina­luhan ng maraming bisita na may kasama pang inuman. Imbes na kastiguhin, kinampihan pa siya ni PNP Chief Director General Archie Gamboa dahil daw mahirap palitan ang katulad ni Debold.

Kung ganyan ang inaasal ng mga opisyal ng gobyerno, paano maasahang sumunod ang taumbayan?

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with